^

PSN Palaro

Barredo, Pedrosa palaban sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin nina national players Sarah Joy Barredo at Ros Leenard Pedrosa ang pangunguna sa Sun Cellular-Ming Ramos National Junior Badminton Tournament national finals ngayon at bukas sa SM North Edsa Annex, Quezon City.

Ang 17-anyos na si Barredo, na kampeon sa girls singles U-19 sa Manila leg, at si Pedrosa, kampeon ng boys’ U-19 singles, ang mga napapaboran laban sa mga makakalaban na nagpasikat sa ibang regio­nal eliminations sa Visayas at Mindanao.

Mangunguna sa hahamon kay Barredo si April Dianne Bibiano na siyang nagkampeon sa Visayas leg.

Bukod sa singles ay paglalabanan din ang titulo sa boys’ and girls’ doubles at mixed doubles sa under 13, 15, 17 at 19.

Ang kompetisyong ito ay may basbas ng Phi­lippine Badminton Association (PBA) at bahagi ng Philippine National Ranking System.

Tumutulong para mai­s­agawa ang torneo ang Sun Cellular, SMART Com­munication, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foundation, PBA Smash Pilipinas, Prima Pasta, Rocktape Phils at Babolat bukod sa Forthright Events.

APRIL DIANNE BIBIANO

BADMINTON ASSOCIATION

BARREDO

FORTHRIGHT EVENTS

MANNY V

NORTH EDSA ANNEX

PHILIPPINE NATIONAL RANKING SYSTEM

PRIMA PASTA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with