Arellano sumabog sa JRU sa 3OT Bedans nasolo ang unahan
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
12 nn Lyceum
vs St. Benilde (Jrs)
2:30 p.m. Lyceum
vs St. Benilde (Srs)
MANILA, Philippines - Ginamit ng four-time defending champion San Beda Red Lions ang nagbabagang panimula para manatiling nasa liderato sa 90th NCAA men’s basketball sa kinuhang 75-56 panalo sa San Sebastian Stags kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Anthony Semerad ay may 13 puntos sa unang yugto para ilayo ang Red Lions sa 27-7 upang magsilbing puhunan sa pagsungkit sa ikaanim na panalo matapos ang pitong laro.
“The boys really wanted to bounce back from our first loss,” ani Beda coach Boyet Fernandez na ang tinukoy ay ang 76-83 pagkatalo sa St. Benilde Blazers.
May 19 puntos ang Fil-Aussie na si Semerad habang sina Arthur dela Cruz, rookie Ranbilll Tongco at Ola Adeogun ay may 14, 12 at 12 puntos.
Sina Jaymar Perez at Bradwyn Guinto ay naghatid ng 13 at 10 puntos para sa Stags na tinanggap ang ikaapat na pagkatalo matapos ang pitong laro.
Nagsolo ang San Beda sa liderato nang padapain ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Arellano Chiefs sa triple-overtime, 99-98.
Si Jaycee Asuncion ay tumapos taglay ang 21 puntos at ang kanyang huling apat na puntos ang nagbigay ng 99-96 lamang sa Bombers sa huling 25 segundo ng labanan.
Umiskor sa ilalim ni Dioncee Holts at napuwersa ng depensa ng Chiefs ang Bombers sa jump ball sa huling 14.1 segundo.
“The players want to prove that we belong in this league,” wika ni JRU coach Vergel Meneses na napantayan ang Lyceum Pirates sa ikaapat na puwesto sa 4-3 baraha. (ATan)
San Beda 75--A. Semerad 19, Dela Cruz 14, Adeogun 12, Tongco 12, Koga 6, Mocon 4, Amer 3, Mendoza 3, Pascual 2, Cabañag 0.
San Sebastian 56--Perez 13, Guinto 10, Dela Cruz 7, Yong 6, Balucanag 4, Calisaan 4, Ortuoste 4, Camasura 3, Pretta 3, Fabian 2.
Quarters: 27-7, 38-16, 59-36, 75-56.
JRU 99--Asuncion 21, Mabulac 21, AbdulWahab 18, Paniamogan 15, Grospe 6, Teodoro 6, Benavides 6, Munez 4, Sanchez 2.
Arellano 98--Holts 25, Jalalon 21, Hernandez 13, Pinto 8, Agovida 8, Bangga 6, Caperal 6, Nicholls 3, Gumaru 2, Enriquez 2, Ortega 2, Cadavis 2, Salcedo 0.
Quarterscores: 8-12, 25-31, 43-51, 70-70, 79-79, 85-85, 99-98(3OT)
- Latest