^

PSN Palaro

Mayweather walang magiging problema sa galaw kapag nagharap sila ni Pacquiao

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang  nakikitang prob­l­ema si Floyd  Maywea­ther Sr. sa ipamamalas sa ring ng anak na si Mayweather Jr. sa susunod na taon.

Sa Mayo 2015 posibleng gawin ang pinakahihintay na pagtutuos ng dalawang tinitingalang bo­xers sa kapanahunang ito, ang pagtatapat nina Mayweather at pambato ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.

Edad 38 na si Maywea­ther sa susunod na taon at 36 naman si Pacquiao at may mga nagkomento na hindi na ganoong kainit ang tao sa labang ito kumpara sa mga nagdaang taon dahil bababa na ang lebel ng kanilang pagbo-boxing bunga ng pagtanda.

Hindi naman sang-ayon dito ang nakatatandang May­weather lalo na sa magiging kondisyon ng anak.

“It could take effect on you at any time, but you’ve got to realize one thing, most of those guys in boxing today have took beatings. Little Floyd, he hasn’t real­ly taken no reall beatings, you know. He isn’t got hit in his eyes and stuff,” wika ni Mayweather sa On The Ropes Boxing.

Si Pacquiao ay napatulog na sa kanyang career hindi lamang isa kundi tatlong beses at dahil dito, nakikita ni Mayweather na magdodomina ang kanyang anak na hindi pa natatalo sa ring.

“The way he got knocked  cold  by a  man that much older than him--hey I mean, what can you say? There isn’t too much to be said, he’s done,” patutsada nito kay Pacman.

Kaya kung matuloy ang pinakaaasam na laban, nakikita ng ama ng American boxer na one-sided fight ito para sa kanyang anak.

 Makakasukatan uli ni Mayweather si Marcos Maidana sa rematch habang si Chris Algieri ang makakatapat ni Pacquiao sa kanilang ikalawang laban sa taon.

 

vuukle comment

CHRIS ALGIERI

LITTLE FLOYD

MARCOS MAIDANA

MAYWEA

MAYWEATHER

MAYWEATHER JR.

ON THE ROPES BOXING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with