^

PSN Palaro

Tigers nilapa ang Warriors, nagsolo sa No. 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginalingan ng pamalit na si Steven Anotado ang kanyang paglalaro para tulungan ang UST sa 2-1 panalo laban sa UE sa pagpapatuloy ng 76th season ng UAAP men’s football kahapon sa FEU Diliman pitch.

Dalawang goals ang ginawa ni Anotado para maibangon ang Tigers mula sa 0-1 iskor at solohin ang ikatlong puwesto sa standings.

Itinabla ni Anotado ang laban sa 83rd minute bago ipinasok ang pangpanalong goal mula sa cross ni Marvin Bricenio.

Sapat ang lakas sa sipa sa bola ni Anotado para lumagpas ang bola sa kamay ni Red Warriors goalie Lendon Clores.

Naglaro ang UE ng wala ang ace striker na si Fitch Arboleda na nagdesisyon na ipahinga ang hamstring injury.

“Malaking bagay sa amin ang di paglalaro ni Fitch dahil nabawasan kami ng babantayan,” wika ni UST coach Marjo Allado.

Samantala, magbaba­lik-laro ang women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City at ang Ateneo at Adamson ay magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Ang UST at UE ang mag­kikita sa unang laban sa ganap na alas-2 ng hapon.

vuukle comment

ADAMSON

ANOTADO

FITCH ARBOLEDA

LENDON CLORES

MARJO ALLADO

MARVIN BRICENIO

RED WARRIORS

SAN JUAN CITY

STEVEN ANOTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with