^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Karagatan na may plastic

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Karagatan na may plastic

NASA karagatan na ang basurang plastic. Hindi na maikakaila na mapa-lupa man o karagatan, laganap na ang basurang plastic. Hindi magtatagal at ang karagatan ay magiging dagat ng plastic. Kawawa ang mga isda pero mas kawawa ang mga tao. Ang nilikhang basura ng mga tao ang papatay sa pinagkukunan ng pagkain. Sa huli, tao ang kawawa sapagkat mamamatay sa gutom.

Ang matibay na ebidensiya na nasa dagat na nga ang basurang plastic ay nang matagpuan sa bituka ng isang balyena ang ilang kilo ng iba’t ibang uri ng plastic na kanyang kinain. Ang balyena ay natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan  ng Bolinao, P­angasinan noong Abril 8. Ayon sa mga mangingisda, nanghihina ang balyena at hindi na halos ­makala­ngoy. Ang balyena (Globicephala macrorhynchus) ay tinulungan ng mga mangingisda na madala sa tabing dagat. Ang akala ng mga mangingisda, nagugutom lamang ang balyena kaya ito nanghihina. Makaraan ang ilang araw, namatay din ang balyena.

Nang suriin ng veterinarian mula sa Bureau of ­Fisheries and Aquatic Resources ang balyena, nakita sa bituka nito ang mga nangingitm na bagay. Nang mainspeksiyon, napag-alamang iba’t ibang klase iyon ng mga basurang plastic. Ayon sa veterinarian, matagal na umano sa bituka ng balyena ang mga plastic kaya nangitim na ang mga ito. Hindi kayang i-digest ng balyena ang mga plastic at ito ang naging dahilan ng kamatayan.

Noong 2019, isang balyena rin ang natagpuang patay sa baybayin ng Davao. Nang biyakin ang tiyan ng balyena, natagpuan ang 40 kilo ng basurang plastic sa bituka nito. Ayon sa report, 45 balyena na ang namamatay sa nasabing lugar at pawang ang pagkamatay ay dahil sa nakaing plastic.

Ang mga pangyayaring ito ay nalalaman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa katunayan, sinabi mismo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na malaking problema ang plastic pollution sa Pilipinas. Maglulunoy umano sa plastic ang bansa kung hindi magkakaroon ng agarang solusyon ang plastic pollution. Malaking panganib aniya sa kalusugan­ ng tao ang plastic at ganundin sa ecosystems at cli­mate change. Ayon pa kay Loyzaga, naki­kitaan ng plastics sa bituka ang mga isda.

Ang Pili­pinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes bawat taon. Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit wala nang narinig ukol dito. Patuloy ang paggamit ng single-use plastics at humahantong sa karagatan. Dapat managot ang DENR.

PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with