^

PSN Opinyon

Pugante sa Central Luzon, sinibak ni Gen. Mendez!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PURO history ang kinalalabasan ng trabaho nitong liderato ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez. Puro pogi points eh! Hindi lang sa Central Luzon, nangunguna ang pagwalis ni Mendez ng pugante sa kalye kundi sa buong Pinas. Dipugaaaaa!

At ang isa sa malaking accomplishment ni Mendez ay ang pagsakote sa aabot sa 1,503 pugante o wanted persons sa isang buwan. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya ang masasabi ni Dipuga, hindi naging maganda ang buwan ng Oktubre para sa mga puganteng nagtatago sa Central Luzon. Tumpak!

Aba, biruin n’yo, sa loob lamang ng isang buwan ay 1,503 wanted persons ang nasakote ng mga tauhan ni Mendez. Hindi talaga biro ‘yan! Kasi nga mga kosa pinakamataas ito sa kasaysayan ng PRO3 at nanguna pa sa buong Pinas. Wow na wow! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kela­ngan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa bilang na ito, 241 ang Most Wanted Persons at 1,262 ang Other Wanted Persons. Nanguna ang Bulacan sa 327 naaresto, kasunod ang Pampanga na may 270 at Nueva Ecija na may 247. Ang galeng ni Bulacan PD Col. Jay Bay­bayan ha?

Ano ang sikreto?

Isa rito ang Own the Project o OTP system ni Mendez­, kung saan bawat police commander ay may direktang pa­na­nagutan sa pagtugis sa mga pugante sa kanyang nasasakupan. Idagdag pa ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO, kung saan may target na dalawang wanted person na dapat maaresto ang bawat Chief of Police.

Dalawa bawat hepe. Mukhang maliit lang sa biglang tingin, subalit kapag pinagsama ang resulta ng mga police station, malaking bilang din pala. Mismooooo!

Kasabay ito ng pinaigting na kampanya ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. laban sa mga wanted person sa buong Pinas. Ibang klase na ito?

Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Pero may punto naman si Mendez. Hindi raw kailangang pataas nang pataas ang bilang ng mga naaaresto. Kung kumakaunti man ang mga pugante ‘yan ay dahil naipatutupad ng seryoso ang mga nakabinbing warrant. Mas magandang resulta iyon.

Tama naman! Dahil ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng nahuhuli, kundi sa dami ng mga puganteng naihaharap sa hukuman.

Kaya sa mga nagtatago pa Riyan sa PRO3, mukhang kailangan na ninyong humarap sa batas. Wala kayong ligtas sa Central Luzon police. Sal-it! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with