^

PSN Opinyon

Pruweba ng Langit at kabilang-buhay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Pruweba ng Langit at kabilang-buhay

MARAMI nang nagkuwento ng near-death experience o karanasang bingit-buhay. Halos pare-pareho ang detalye:

Biglang namatay ang nilalang. Lumutang siya sa tahimik na tunnel, inaakit ng liwanag sa dulo. Mapupunta siya sa isang marikit na bukirin – paraiso. Ramdam na ramdam ang kapayapaan at pagmamahal. Makikita niya r’un ang mga yumaong kamag-anak at kaibigan. Marahan siyang makikipagkuwentuhan sa kanila. Mapapanood niya ang mahahalagang eksena sa sariling buhay. Walang maghuhusga. Eenganyohin siyang repasuhin ang nakalipas.

Bigla niyang mababatid na kapag magtagal pa siya o lumampas sa isang guhit, hindi na siya makakabalik. Aatras siya dahil may mahalaga pang mga gawain at tungkulin sa mundo. Mararamdaman niyang hindi pa siya dapat mamatay.

Nu’ng una hindi naniniwala si Dr. Peter Fenwick sa near-death experiences (NDEs). Bilang neurophysiologist inaaral niya ang epilepsy, pagtulog, meditasyon, at pananaginip.

Pero nu’ng tinalakay niya ang NDEs sa isang TV show, mahigit 2,000 manonood ang lumiham ng mga karanasang bingit-buhay. Sinarbey niya ang 500 du’n at lumitaw nga ang pagkakahalintulad.

Kinapanayam niya ang mga nars na nag-alaga sa mga pasyenteng namatay pero nagbalik sa mundo. Lahat nagsabing nakaramdam ng kapayapaan sa silid, nakakita ng maliwanag, nakapansin ng ibon o paruparo sa bintana. May pattern din.

Sayang pumanaw na si Dr. Fenwick nu’ng Nob. 2024 sa edad-89. Hindi na siya nagbalik-buhay.

Sana may magpatuloy ng saliksik niya. Tila nandu’n ang pruweba na may Langit at buhay na walang hanggan. 

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with