^

PSN Opinyon

EDITORYAL — ‘7’ at ‘8’ na mga plaka dapat nang isurender

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � �7� at �8� na mga plaka dapat nang isurender

PATULOY ang pag-abuso sa paggamit ng bus lane para maging madali sa pagbibiyahe. Gustong makarating agad sa patutunguhan kaya kahit na bawal pumasok sa bus lane, ginagawa. At ang mga gumagawa nito ay mga taong pinasusuweldo ng taumbayan. Sila yung mga pulitiko na makaraang iboto ng mamamayan ay sila pa ang umaabuso na para bang nabili na nila ang EDSA at iba pang kalsada. Karamihan sa mga umaabuso ay mga pulitikong ang sasakyan ay may plakang “7” at “8”. Ang “7” ay para sa senador at ang “8” ay para sa mga miyembro ng House of Representatives.

Noong Huwebes (Abril 11), isang itim na SUV na may plakang “7” ang dumaan sa bus lane at pinigil ng MMDA traffic enforcers. Pero sa halip na tumigil, pinaharurot pa ang SUV. Hindi nalaman kung sinong senador ang sakay ng SUV. Lumipas pa ang tatlong araw bago lumabas ang tunay na may-ari ng sasakyan—si Sen. Francis Escudero. Nag-sorry si Escudero at sinabing ang driver ng SUV ay isa sa kanyang family member. Inatasan na raw niya ang driver na magreport sa MMDA. Nangako si Escudero na isusurender sa LTO ang plakang “7” dahil hindi naman niya ito nagagamit.

Noong Nobyembre 2023, isang SUV rin ang pinigil ng MMDA nang dumaan sa bus lane. Sabi ng driver ng SUV, si Sen. Bong Revilla ang sakay. Ganunman, tinanggi ni Revilla na sa kanya ang sasakyan. Nagkaroon pa ng argumento sa pagitan ni Revilla at pinuno ng MMDA na si Bong Nebrija. Makaraan iyon, humingi ng paumanhin si Nebrija kay Revilla.

Sabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Armando Artes ang mga exempted at maaaring gumamit ng EDSA Busway ay ang convoys ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President, at Chief Justice ng Korte Suprema. Ang sinumang lalabag o dadaan sa Busway ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang offense; P10,000, at isang buwan na suspension ng driver’s license sa second offense; P20,000 at suspension ng driver’s license sa loob ng isang taon sa third offense, at P30,000 at pagbawi ng driver’s license sa mga susunod na offenses. Ipinatupad ang kautusan noong Nobyembre 20, 2023.

Sa kabila ng mga babala at panawagan ng MMDA, marami pa rin ang mga pasaway na motorista na dumadaan sa bus lane at karamihan ay mga pulitiko, mga pulis at iba pa. Kung sino ang pinasusuweldo mula sa buwis ng mamamayan ay sila pa ang umaabuso. Sa halip na sila ang magpakita ng halimbawa ay sila pa ang pasaway. Samsamin ang plakang “7” at “8”.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with