^

PSN Opinyon

Happy women’s month, Proud Makatizens!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

(Huli sa 2 labas)

DITO sa Makati, nagsisikap po talaga kaming iangat ang estado ng mga babae sa komunidad, sa tahanan, at sa lipu­nan. Kung di po n’yo naitatanong, bukod po sa amin ni Vice Mayor Monique Lagdameo ay mayroon po tayong 17 kon­sehal at department heads na babae. Ang City Government of Makati ay proud na mayroon kaming 4,237 female employees na kumakatawan sa 44% ng total employees. 

Bakit hindi 50% o higit pa? ‘Yan po ang pinagsusumikapan nating maitama sa mga susunod na taon. 

Sa ngayon, patuloy nating inaantig ang damdamin ng mga kakabaihang Makatizen na mayroong puwang ang komunidad para sa kanilang galing, talino, at puso. Patuloy tayong nagdaraos ng Job Fair for Women para sa maraming oportunidad na makapag trabaho. 

Ang Makati Social Welfare Department naman ay may ilang­ activities kabilang ang isang webinar tungkol sa Magna Carta for Women. Maganda ito para mas maunawaan ng mga babae ang kanilang mga karapatan, kasama na ang mga pribilehiyo nila. 

Higit sa lahat, tutulungan natin ang mga babaeng maging­ financially independent sa pamamagitan ng isang workshop. Ang “BE Her Empowerment”, ay isang collaborative effort ng Makati, ng Department of Trade and Industry at ng Embassy of the Kingdom of Belgium, at naglalayong tulungan ang mga babae economically. 

Nang maging speaker ako sa COP28 sa Dubai noong December, nasabi kong “the future is female” at binigyan nila ako ng isang standing ovation. Nasabi ko ito dahil ramdam ko na ito na ang tamang panahon para tumindig at manindigan ang mga babae sa lahat ng aspeto ng buhay —sa environment, sa economics, sa gobyerno, higit sa lahat sa usapang gender sensitivity at equality.

Pangarap kong ang pagdiriwang ng mga kababaihan ay hindi na lamang tuwing Marso, kundi araw-araw.

vuukle comment

WOMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with