^

PSN Opinyon

‘Halimaw’ nananakot

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Isang halimaw na nananakot muli ang China nang papaghandain nito ang militar ng naturang bansa para sa isang digmaan. Digmaan na ilulunsad sa sandaling lumala ang tension sa West Philippine Sea (WPS) na sila naman ang may kagagawan.

Sabi ni Presidente Marcos “walang bago sa sinabi ni China’s President Xi Jinping dahil matagal nang ginagawa ng China ang ganito. Binubuyo tayong makipaggiyera sa pamamagitan ng pag-angkin sa ating teritoryong pang karagatan. Makapal ang mukha ng China. Sila pa ang malakas ang loob na akusahan tayo ng pambubuyo kapag tinutungo natin ang ating teritoryo.

Ayon sa isang survey, pito sa bawat sampung Pilipino ang nakahandang ipagtanggol ang soberenya ng bansa kung aabot na sa sukdulan ang pang-aabuso ng China.  Maliit man tayo at wala kakayahang lumaban, sa ganitong mga situwasyon ay lalabas ang nasyonalismo at kabayanihan ng mga Pilipino.

Napatunayan na iyan sa mga nakalipas na tangkang pananakop ng mga dayuhan. Bagamat may panahong naging kolonya tayo ng ibang bansa, sa buhay at tapang na ibinuwis ng ating mga bayani ay nabawi ang kalayaan na hangga ngayon ay tinatamasa natin.

Sana, maging maayos ang lahat bago humantong sa digmaan. Ayaw nating lahat iyan. May mga bayani mang handang mamatay, higit na mahalaga pa rin ang buhay.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with