^

PSN Opinyon

Kolaborasyon para sa pagpapatibay ng mga komunidad

KasamBuhay - Jing Castañeda - Pilipino Star Ngayon
Kolaborasyon para sa pagpapatibay ng mga komunidad
Stock image of hands together
Image by Jackson David from Pixabay

9% – ganito kababa ang poverty rate na target ni President Ferdinand Marcos Jr. na gusto niyang makamit bago matapos ang kanyang termino sa 2028. Unang nabanggit ito sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address noong 2022. Simula noon, doble-kayod na ang kanyang administrasyon para maabot ang pangarap na ito.

Sa dami ng mga planong ibinahagi ng pangulo, ang layuning labanan ang kahirapan ang siguradong tumatak sa maraming mga organisasyon, mga foundation at charity groups na nakatutok sa pagtulong sa mga kapus-palad.

Nang aking pamunuan ang ABS-CBN Bantay Bata 163, mas lumalim pa ang respeto at paghanga ko sa mga foundation dahil sa kanilang mga programang talaga namang nakatutulong maghatid ng kalinga sa mga nangangailangan at mga komunidad. Kaya naman nakatutuwang malaman na maraming kolaborasyon ang pamahalaan sa iba’t ibang mga samahan at foundation para sa kawanggawa.

Isa sa mga natatanging partnership na ito ay ang pagsasama ng Okada Foundation (na masigasig na isinasagawa ang kanilang educational at medical initiatives) at ang Kabisig ng Kalahi (Kabisig), isa naman sa mga nangungunang civic groups sa bansa.

Sina Apalit Mayor Jun Tetangco, Okada Foundation Inc. president James Lorenzana, Senator Lito Lapid at Pampanga Governor Dennis Pineda sa inagurasyon ng dedication marker ng bagong Don Honorio Ventura State University academic building.

Sinisiguro ng Okada Foundation na ramdam ang kanilang tulong sa iba’t ibang mga sektor. Nitong nakaraang taon lamang, binuksan na ang tatlong palapag at 12-classroom na academic building na handog nito sa Don Honorio Ventura State University sa Apalit, Pampanga.  Mainit itong tinanggap ng mga estudyante, magulang, faculty, at mga pamilya ng mga kalapit na komunidad.

Bago ito, naging katuwang din ng Parañaque City local government unit (LGU) ang Okada Foundation sa paghahatid ng medical services, mula sa P12-milyong donasyon nito sa siyudad kada taon.

Ibinigay ng Okada Foundation Inc., sa pangunguna nina (L-R) Vice President for Corporate Planning Kentaro Amamoto, TRLEI Director Hajime Tokuda, at foundation President James Lorenzana ang kanilang donasyon para sa Parañaque City LGU, sa pamamagitan nina City Mayor Eric Olivarez at asawang Aileen.

Isa rin sa mga institusyong natulungan ng Okada Foundation ang Lung Center of the Philippines. Dito rin inilunsad ni Pangulong Marcos kamakailan ang kauna-unahang human lung transplant program sa ating bansa.  P25 milyong piso ang ibinigay ng foundation sa Lung Center of the Philippines, kasabay ang isa pang P25 milyong pisong donasyon naman sa Philippine Heart Center.

Samantala, ang Kabisig, sa pangunguna ni Vicky Wieneke ay may kahanga-hangang track record ng mahigit sa dalawang dekada ng charity programs. Mas lumaki pa ang impact ng mga ito dahil sila’y suportado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at maging ng mga naglalakihang korporasyon sa private sector.

Maihahalintulad natin ang mga programa ng Kabisig sa pagtatanim ng punla, kung saan sa tulong ng kanilang pangangalaga at pagtutok ay lumalaki ang kanilang mga programang nagbibigay sa mga komunidad ng mga bagong hanapbuhay at pagkakakitaan.

Pasasalamat ng mga kinatawan ng DHVSU Apalit Campus para sa bagong academic building na donasyon ng Okada Foundation Inc., sa pakikipagtulungan ng Apalit LGU, office of Senator Lito Lapid, at PAGCOR.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang Food Share Program na nabuo noong pandemic. Nagsagawa ang Kabisig ng assessment sa isang komunidad ayon sa mga pangangailangan nila, at kakayahan ng bawat miyembro.  Para sa mga kakayanin ang gawain, itinuro ng mga kasapi ng Kabisig ang pagtatanim ng mga gulay na hindi lamang para sa isang pamilya, ngunit para rin sa ibang mga nangangailangang komunidad. Para sa sustainability ng proyektong ito, siniguro rin ng Kabisig na nariyan ang partisipasyon ng mga barangay staff, at pati na ang Department of Agriculture.

Kasabay nito, masigasig rin ang Kabisig sa pagsasagawa ng skills training at workshops para patuloy na maisulong ang pagkakaroon ng sustainable na hanapbuhay sa mga komunidad. 

Sa pagtutulungan ng Okada Foundation at Kabisig ng Kalahi, hindi maikakailang mas maliwanag ang kinabukasan para sa mas maraming mga komunidad at pamilyang Pilipino.

Ang Kabisig ng Kalahi kasama ang ilang miyembro ng komunidad sa kanilang Food Share Program.

Tulad ng sinabi ng kanilang foundation president na si James Lorenzana, ang kooperasyon ng mga samahan ay maghahatid ng “makabuluhang epekto sa mga kapuspalad na komunidad,” at may kakayahan itong gumawa ng “pangmatagalang pagbabago sa Pilipinas, lalo na sa edukasyon, kalusugan, at paghahanapbuhay.”

Sang-ayon naman si Weineke kay Lorenzana, at inilarawan ang kanilang pagtutulungan bilang isang “patunay sa ating nagkakaisang pangarap ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga nangangailangan.”

Ang Okada Foundation, sa pangunguna ni President James Lorenzana, at ang Kabisig ng Kalahi, sa pangunguna ng kanilang founder, Vicky Weineke, sa pagpirma ng Memorandum of Agreement ng kanilang partnership.

Marami na rin ang non-government organizations (NGO) na aking nakilala at nakapanayam sa aking career bilang broadcast journalist. Pero lagi pa ring naghahatid ng inspirasyon ang mga ganitong pagkakataon – ang pagsasama-sama ng mga nakakabilib na mga organisasyon sa ngalan ng kawanggawa at pagtulong sa kapwa.

Naniniwala akong sa partnership ng Okada Foundation at Kabisig ng Kalahi, mas marami pang mga komunidad ang mabibigyan ng kalinga at pagkakataon para tumibay at umasenso. Ang kolaborasyong katulad nito ay isa sa mga kinakailangan para maabot ang pangarap na mapababa ang poverty rate sa ating bansa at maiangat 

___

Sundan ang aking social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter at Kumu.  Ibahagi ang inyong mga mungkahi at reaksyon sa [email protected]. Panoorin ang Pamilya Talk sa  FacebookYouTubeKumu, at Jeepney TV (sa SkyCable Channel 9, GSat Direct TV Channel 55, at Cignal Channel 44, tuwing Sabado 5 p.m.).

vuukle comment

BANTAY BATA

BONGBONG MARCOS

COMMUNITY

NON-GOVERNMENT ORGANIZATION

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with