^

PSN Opinyon

Tips para maging mabait at mapagmahal ang bata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Gawing prayoridad ang pagiging maalalahanin sa kapakanan ng iba.

Sa halip na sabihin sa anak: “Ang pinakamahalagang bagay ay ikaw ay masaya,” ang nararapat na sabahin ay “Ang pinakamahalagang bagay ay ikaw ay mabait.” Siguraduhin na sila ay may paggalang tuwing nakikipag-usap sa matatanda kahit na sila ay pagod, nagambala, o nagalit.

2. Sanayin ang bata sa pagmamalasakit at pasasa­lamat. Ang mga bata ay kailangang magsanay sa pag-aalaga sa iba at magpahayag ng pasasalamat sa mga nagmamalasakit sa kanila. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong nasa ugali ng pagpapahayag ng pasa­sa­lamat ay mas magiging kapaki-pakinabang, mapagbigay, mahabagin, at mapagpatawad.

3. Maging modelo sa pagiging mabait. Kailangan nating gawin ang tama para gayahin tayo ng mga bata. Ngunit hindi ito nangangahulugan na perpekto tayo sa lahat ng oras. Kailangan nating kilalanin ang mga pagka­ka­mali at mga depekto. Kailangan din nating igalang ang pag-iisip ng mga bata. Pakinggan ang kanilang pananaw.

4. Gabayan ang bata kapag nagagalit o naiinis. Narito ang simpleng paraan upang huminahon ang bata: hilingin sa iyong anak na huminto, kumuha ng malalim na hininga sa pamamagitan ng ilong at huminga nang palabas sa bibig (deep breathing). Sanayin ang anak maging kalmado kapag nakita na siya ay napagod. Pagkaraan ng ilang sandali magsisimula siyang gawin ito sa kanyang sarili upang maipahayag ang kanyang damdamin sa tamang paraan.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with