Walang pulis sa Angeles City na suplado - Col. Domingo!
“WE serve with a smile!”
Ito po ang motto ni Col. Robert Domingo, ang hepe ng Angeles City Police Office, na ikinalat n’ya sa kanyang anim na police stations sa siyudad.Halos 65 days pa lang si Domingo sa puwesto subalit umaatikabo na ang kanyang accomplishments kontra droga, loose fiearms, wanted persons, smuggling, illegal gambling at iba pang klase ng kriminalidad. Wow na wow!
Kung nakangiti ba naman ang mga pulis, kaya’t ganado din ang taumbayan na magreklamo o magbigay ng tip vs krimen. Anong sey n’yo mga kosa? Kaya naman ganadong magtrabaho rin ang kanyang mga tauhan, ayon kay Domingo, ay dahil ibinaba n’ya ang lahat ng ayuda-logistics man o finance. Ayosssss! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi lang ‘yan! Pinalakas din ni Domingo ang relasyon nila sa mga barangay, na sa ngayon ay katulong nila ang mga tanod sa pagpatrulya sa kapaligiran. Itong mga barangay kasi mga kosa ay kabisado nila ang mukha ng mga residente nila, kaya’t kapag bagong mukha ka, nasisita at napipigilan ang nakaambang krimen. Kung masaya ang kapulisan sa liderato ni Domingo, t’yak ganun din kasaya ang mga taga-barangay. May punto, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Teka, teka! Heto na ang ipinagyayabang ni Domingo. Mula Agosto 3 hanggang October 5 ikinasa ni Domingo ang 97 anti-illegal drugs operations na nagbunga sa pagkaaresto ng 135 drug personalities at pagkumpiska ng droga na nagkakahalagang P3 milyon. Sa loose firearms naman, 114 operations ang isinulong at 11 katao ang naaresto, 13 baril ang narekuber, 62 baril ang boluntaryong isinuko, samantalang 40 baril din ang ipinatago. Sa wanted persons, 237 ang naibato sa likod na rehas na bakal, at 41 dito ay most wanted, at 196 ang wanted lang. Dipugaaaaa! Sa cigarette smuggling, 68 operasyon ang ikinasa at nakumpiska ang 101 reams at 116 packs na nagkakahalagang P114,648. Sa Safer Cities campaign, 14,764 violators ang inisyuhan ng penalty, 117,861 ang pinauwi matapos mawarningan, at nakolekta ang P6.7 milyon na fines. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Pinasalamatan ni Domingo ang city government, barangay officials, mga ahensiya ng gobyerno at ang komunidad sa todo suporta nila sa kanilang pakikibaka sa kriminalidad.. Sinisiguro ni Domingo na walang pulis sa siyudad na suplado. Abangan!
- Latest


















