^

PSN Opinyon

Tips para malabanan ang stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Stress ang pinakamalaking problema nang maraming­ tao sa kasalukuyan. Maraming sakit ang idinudulot ng stress kabilang na ang sakit sa puso, ulcer at sakit sa katawan. Ngunit paano ba malalaman kung ikaw ay stressed?

Gawin ang mga sumusunod:

1.Suriin ang pulso—Ang tamang pulse rate para sa matatanda ay sa pagitan ng 70 hanggang 80 na tibok bawat minuto. Kung ang pulse rate ay mas mataas sa 80 bawat minuto, ito ay posibleng ikaw ay may stress. Maglaan ng ilang sandali para bilangin ang iyong pulse at simulan tantyahin ang stress level. Para hanapin ang iyong pulso ipatong ang una at pangalawang daliri sa pulso na malapit sa wrist. At tignan ang iyong relo at magset ng timer sa 1 minuto at bilangan ang tibok nito.

2.Bilangin ang paghinga—Para sa matanda ang ave­rage na paghinga ay 12 hanggang 16 bawat minuto. Kung kayo ay humihinga ng mas higit pa sa 16 kada minuto, baka ikaw ay may stress. Mag set ng timer para sa 1 minuto at bilangin ang paghinga. Huminga lamang ng normal habang binibilang ang hininga.

3.Tingnan ang ibang senyales sa iyong katawan—Ang stress ay nagpapahiwatig ng iba pang sintomas sa ating katawan. Halimbawa, ang iyong tiyan ba ay nakararamdam na para bang buhol-buhol at maasim. Masakit ang iyong ulo. Nakaramdam ka ng paninigas sa iyong leeg at balikat.

Mga dapat gawin para malabanan ang stress:

1. Gamitin ang stress hormones para lumakas—May taong mas gumagaling kapag may hamon sa buhay. Mas nakaka-concentrate, mas nagkakaroon ng lakas, mas naka­ka-trabaho at nakaka-aral. Ang stress ay naglalabas ng isang hormone, ang epinephrine na kung paminsan-minsan lang ay nakatutulong sa konsentrasyon at lakas.

2. Gawing positibo ang negatibong pangyayari—Ibahin mo ang pananaw. Baka good stress yan at hindi bad stress. Ang mga atleta ay mayroong stress at tumataas ang lakas nila. May mga estudyante na kapag may deadline ay mas gumagaling sa eksamen. Walang sa kontrol natin ang stress. Ngunit magagawa mong harapin ito.

3. Gamitin ang stress para maging ligtas—Halimbawa: naglalakad ka mag-isa sa gabi o naglalakad sa matarik na lugar. May tulong ang stress dahil mas alerto ka, mas malakas at handang lumaban. Ang mata at pandinig mo ay mas matalas din.

4. Huwag patatalo sa stress—Maging positibo kahit anong hamon sa buhay. Huwag din matakot sa stress. Bawasan ito. Pero tuloy pa rin ang trabaho at buhay mo. Maraming mga bagay na pwede mo magawa para kontrolin ang sitwasyon. Kumuha ng malalim na paghinga, ikot-ikutin ang ulo para lumuwag ang pakiramdam sa bahagi ng leeg at balikat. Basain ang mukha sa pamamagitan ng malamig na tubig. Patulong ka sa pamilya at kaibigan mo. Mag-ehersisyo ng regular.

5. Tumulong sa kapwa para mabawasan ang iyong stress—Magandang sikreto iyan sa buhay. Kapag abala ka sa pagtulong, makakalimutan mo ang stress mo.

6. May biyaya sa dulo—Ang sarap ng pakiramdam kapag nakalampas ka sa problema, kapag nakatapos ng trabaho at kapag nalutas ang isang mahirap na bagay.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with