^

PSN Opinyon

Pinangalanan na

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Pinangalanan na ng NBI at PNP si suspendidong BuCor chief Gerald Bantag bilang utak sa likod ng pagpatay kina Percy Mabasa at Cristito Palaña (unang nakilalang Jun Villamor). Isinampa na ng mga kinaukulang ahensiya ang reklamo sa Office of the Prosecutor General of the Department of Justice noong Lunes.

Kasama sa reklamo si BuCor Deputy Security Officer (DSO) Ricardo Zulueta at iba pang mga bilanggo na nag­silbing mga kontak para sa paghanap ng papatay kay Mabasa. Si Palaña ay pinatay habang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa pamamagitan ng pagbalot sa ulo ng plastic hanggang sa hindi na makahinga.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, ang pagturo­ kay Bantag bilang mastermind sa mga krimen ay sa pama­magitan ng mga affidavit na ibinigay ng ilang “persons of interest” sa kaso. “Totality of facts” ang prisipyong ginamit para sa pagturo kay Bantag at sa lahat ng kakasuhan.

Sa madaling salita, pinag-aralan nila ang lahat ng nag­bigay ng testimonya o patotoo kaugnay sa kaso. Nagpa­kita pa sila ng flow chart para ipakita kung paano dumaan ang komunikasyon sa mga kinaukulang kakasuhan hanggang sa pagpatay kay Palaña, ang sinasabing middleman.

Bagama’t natutuwa ang pamilya ni Mabasa at may pina­ngalanan na sa pagpatay kay Percy Mabasa, hindi pa sila kumbinsido na nagtatapos kay Bantag ang imbestigasyon. Hindi raw sila titigil hangga’t matukoy at makasuhan ang lahat ng may kaugnayan sa krimen. Marami pa raw ang may kaugnayan sa krimen sa loob at labas ng kulungan.

Tulad ng sinabi ko noong nakaraan, kahit sino pa ang nakaupo sa Bilibid ay wala ring nagaganap na reporma o pagbabago. Lumalabas na patuloy na nagaganap ang mga krimen kahit nakakulong pa ang mga pinuno ng sindikato dahil may malinaw na koneksyon sa labas ng kulungan.

Katulad sa kasong ito, nakahanap sila ng pumatay kay Mabasa kahit nasa loob pa ng Bilibid. Patuloy rin ang pagpasok ng kontrabando. Hindi na siguro nakakapasok ng TV, mga instrumento ng banda, jacuzzi, sauna at kung ano pang nadiskubre noong 2014 sa ilalim ng pamumuno ni Leila de Lima bilang DOJ secretary.

Kabalintunaan nga na siya ngayon ang nakakulong. Pero nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga sindikato, patuloy ang masasamang krimen kung saan mula pa sa loob ng kulungan nanggagaling ang utos para patayin ang tao. Dapat mabuwag na ang mga ito.

GERALD BANTAG

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with