^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang katapusang pambu-bully ng China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang katapusang pambu-bully ng China

Halos buwan-buwan ay may ginagawang pam­bu-bully ang China sa West Philippine Sea (WPS). Wala na silang kinikilala at inaangkin nang tuluyan ang teritoryo na pinagwagian ng Pilipinas noong 2016 sa Arbitrary ruling. Hindi nila kinikilala ang desisyon ng international court.

Noong nakaraang linggo, nagpakita na naman ng kasigaan ang China nang sundan ng kanilang coast guard ang bangka ng mga sundalong Pinoy na magdadala ng supply sa tropa sa Ayungin Shoal na naka-stationed sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

Hinabol ng Chinese Coast Guard (CCG) ang bangka ng mga Pinoy at tinawagan sa radio subalit nagpa­tuloy pa rin ang mga ito hanggang sa makarating sa kinasasadsaran ng Sierra Madre. Nagtagumpay ang mga sundalong Pinoy at nadala ang supply at nag­karoon ng troop rotation.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binully ng China ang mga Pinoy. Noong Disyembre 2021, hinarang at binomba ng tubig ng tatlong Chinese Coast Guard (CCG) ang mga bangka ng mga Pilipinong maghahatid din ng supply sa mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Noong Enero 29, 2022, isang Chinese vessel ang pumasok sa Sulu Sea at nanatili roon ng tatlong araw sa kabila na sinabihan sila ng mga opisyal ng Phi­lippine Navy na lulan ng BRP Antonio Luna na lisanin ang lugar. Hindi umalis ang Chinese vessel.

Noong nakaraang Abril, muntik nang mabangga­ ng China Coast Guard ang Philippine Coast Guard habang nagpapatrulya sa Panatag Shoal. Sinita ng PCG ang CCG.  Nagmaniubra ang CCG at muntik nang mabangga ang PCG.

Noong nakaraang Abril, nagbabala ang China sa Pilipinas na tigilan ang  pakikialam sa kanilang pagpapatrulya sa Huangyan Dao sapagkat iyon daw ay kanilang teritoryo at mayroon silang huris­diksiyon sa karagatang nakapaligid dito. Sabi ng Chinese foreign ministry spokesman, dapat igalang ng Pilipinas ang soberanya ng China ganundin ang karapatan at interes nito. Ang sinasabing Huangyan Dao ay ang Panatag Shoal na pag-aari ng Pilipinas at napagwagian ng bansa sa 2016 artbitrary ruling.

Hanggang kailan ang pambu-bully ng China? Ang kasagutan ay nakasalalay sa uupong presidente na manunumpa ngayon. Una nang sinabi kamakailan ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya papayag na tumuntong ang sinumang magtatangka sa soberanya ng Pilipinas.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with