^

PSN Opinyon

Pulpol na nga sa Math, wala pang kamalayan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

WALA nang subject na Kasaysayang Pilipino sa high school curriculum. Sa Grade 6 na lang ito ng K-to-12 program ng Department of Education. Sa edad 11, hindi pa buo ang kritikal na pag-iisip ng mag-aaral; sa high school pa lang ito sinisimulan hasain. Resulta: madaling nakakalimutan ng estudyanteng Grade 6 ang mahahalagang kabanata ng kasaysayan ng ating lahi. Lumalaki siyang walang kama­layan ng sarili.

Napakasaklap nito. Batay sa international student tests mula 2013, kulelat ang mga batang Pilipino sa Reading Comprehension, Math at Science kumpara sa ibang umuunlad na bansa. Kaya sa paghahanap ng trabaho, nasa huli sila ng pila. Tapos, hindi pa nila alam kung ano ang dapat ipag­malaki tungkol sa Pilipino. Mga kawawang nilalang!

Sa pag-aaral ng bata mula Grades 1-10, minsan lang niya maeenkuwentro ang buhay at kabayanihan nina Rizal­, Bonifacio at Jacinto. Minsan lang ang tungkol sa kasamaan at benepisyo ng panahon ng Kastila, Amerikano at Hapon. Tig-isa o dalawang linggo lang ang mga ‘yon sa apat na Grading Periods.

Ang “Martial Law” ay isang linggo lang sa fourth Grading. Ang DepEd curriculum guide dito ay: “Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar.”Ito ang dahilan kung bakit akala ng mga bata mainam ang paghahari ng militar imbes na sibilyan, at kalupitan imbes na kara­patang sibil. Natatabunan ang detalyes ng karalitaan at pandarambong. Ikinalulungkot ito ni Dr. Antonio Calipjo-­Go ng Marian School Quezon City. Nababaluktot ang kasay­­sayan, aniya.

Paano mabubuo ang pagkatao ng bata kung nasa edad na ng paghahanapbuhay at pagpapamilya? Pulpol siya sa numero, agham at pag-intindi—hilo pa kung ano ang pinanggalingan at patutunguhan. DepEd, ano ang ginawa mo sa kanya?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with