^

PSN Opinyon

NBI-NCR, walang tiwala sa mga kasamahan  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SIKSIKAN ang mga tao sa bus terminal, pantalan at airport para makasakay pauwi sa kanilang mga lalawigan upang gunitain ang Semana Santa. Noong linggo pa nag­simula ang exodus ng mga tao at maaaring tumagal pa hanggang bukas (Miyerkules Santo).

Nagpaalala naman ang Department of Health (DOH) sa mga magbabakasyon na mag-ingat sa COVID-19 sapagkat hindi pa ito lubusang nawawala sa ating bansa. Sabi ng DOH, may posibilidad umano na tumaas na naman ang kaso ng COVID dahil sa pagkukumpulan ng mga tao.

Ipinapayo ng DOH na laging magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing. Payo pa ng DOH, kapag may kakaibang nararamdaman sa katawan, magtungo na agad sa ospital upang masuri at nang maagapan.

Sa mga tutungo sa Visayas at Mindanao, maghanda sapagkat malakas na ulan at baha ang sasalubong sa inyo. Sa Iloilo, partikular na sa Lemery, lampas tao ang lalim ng tubig baha dulot ng walang tigil na pag-ulan. Walang pahinga ang Philippine National Police (PNP) sa pagsagip sa mga residente roon na na-trap sa baha. Tiyak na lalaganap na naman ang trangkaso at diarrhea dahil sa maruming tubig.

Sa Mindanao, maraming kalsada at tulay ang nasira dahil sa pag-ulan at pagbaha kaya apektado ang daloy ng trapiko. Sa mga magbibiyahe, magbaon ng mga gamot sapagkat tiyak lalaganap ang sakit at baka kumalat ang COVID-19.

* * *

Tinatapakan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang kapwa nila ahente sa pagsawsaw sa nangyaring kaso sa Pilar, Abra noong Marso 29. Sumulat ang hepe ng NBI-NCR kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos at inimpormahan na magsasagawa sila ng reconstruction of crime scene and chemical analysis of firearms and vehicles na sangkot sa shooting incident sa pagitan ng mga tauhan ni Pilar, Abra mayor Josefina Disono. Wala yatang tiwala ang NBI-NCR sa NBI-Ilocos.

Mukhang pabibilisin ng NBI-NCR ang pag-imbestiga sa kaso ng standoff bago matapos ang Semana Santa. Nag-ugat ang barilan nang parahin ng mga pulis sa checkpoint ang puting van na lulan ang mga tauhan ni Disono. Humantong ang habulan sa compound na ari ni Disono kaya nagresponde ang mga SWAT. Pinayagang makapasok ang SOCO sa compound at nadiskubre ang isang bangkay. Naisuko na rin ang 14 na baril na paso na ang lisensiya. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at nagiging masalimuot sa pagpasok ng NBI-NCR. Abangan.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with