^

PSN Opinyon

Taksil na misis (Part 1)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

PARA mapawalang-bisa ang kasal base sa psychological incapacity, dapat mapatunayan sa pamamagitan ng lahat ng mga ebidensiya na isa o pareho sa kanila ay talagang mayroon nito at hindi lang basta pisikal na kakulangan na gampanan ang tungkulin bilang asawa. Mapapatunayan ito ng bigat ng sakit, mga naunang desisyon ng hukuman at kawalan ng pag-asa na mapagaling. Ang lahat ng ito ay ipinapaliwanag sa kaso nina Armand at Cely.

Nakilala ni Armand si Cely noong girlfriend pa ito ng kaibigan nito. Nang maghiwalay si Cely at boyfriend, si Armand naman ang pumalit. Naging magsiyota sila at nagpakasal sa huwes. Una silang tumira sa siyudad bago sila lumipat sa iba’t ibang lugar dahil sa agresibong pag-uugali ni Cely.

Habang magkasama sila, laging nasa tsismisan si Cely at panay ang basa ng komiks. Pinakiusapan na ito ni Armand na bawasan ang oras ng pakikipagtsismisan sa mga kapitbahay pero nagalit lang si Cely at ang katwiran ay wala naman daw masyadong ginagawa sa kanilang bahay.

Sa kabila ng kanilang mga problema, nagpakasal pa rin sila sa simbahan ng limang buwang buntis na si Cely. Pero hindi pa rin nag-iba ang ugali ng babae. Madalas pa rin itong nakikipagtsismisan at nakikipag-away sa mga kapitbahay. Hindi lang palaban ang babae kung hindi taksil din lalo nang makilala nito ang kapitbahay na si Nardo at makipagrelasyon dito.

Nabisto ni Armand ang pagtataksil pero pinatawad pa rin niya si Cely. Sa kabila niyon, hindi pa rin natigil ang babae. Inamin pa ni Nardo kay Armand na hindi anak ng lalaki ang kambal na isinilang ni Cely dahil si Nardo ang tatay. Naalala tuloy ni Armand ang isang insidente kung saan nasabi ni Cely na “hindi mo anak ‘yan” minsan na nagalit ang babae nang pinalo ni Armand ang isa sa mga anak.

Nagkaroon din si Cely ng relasyon sa isa pa nilang kapitbahay na si Wally. Isang beses ay nahuli pa ni Armand si Wally na nagtatago sa ilalim ng kama nilang mag-asawa na pantalon lang ang suot. Tuluyan lang na lumayas si Armand sa bahay nila nang minsan na utusan nito ang misis na tingnan ang niluluto sa pressure cooker at imbes sumunod, binato siya ng kutsilyo. (Itutuloy)

vuukle comment

PSYCHOLOGICAL INCAPACITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with