^

NPA rebels terorista na, pulis ang isagupa sa kanila

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

OFFICIALLY, Idineklara na ng gobyerno ang New Peoples­ Army ng communist Party of the Philippines  bilang mga terorista. Ibig sabihin, ang ano mang gawin nilang labag sa batas ay maituturing na karaniwang  krimen na dapat respondihan ng pulisya at hindi ng militar. Kaya nasabi ko sa nakaraan kong kolum na wala nang poder ang militar na rumesponde sa mga acts of criminality ng mga elemento ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front.

Noong araw, komo may status of belligerency ang CPP-NPA-NDF puwede nilang sabihin na ang bansa ay nasa estado­ ng civil war. Sa pagkakadeklara sa kanila na mga plain terrorists, nawala na ang balidong rason ng kanilang pag-aaklas. Hindi na kailangang sundalo ang sumagupa sa kanila kundi mga alagad ng batas.

Ito’y karugtong ng topic natin noon tungkol sa pagpapawalang bisa ng kasunduan ng Department of National Defense sa tatlong dekadang kasunduan sa University of the Philippines na kailangan munang i-abiso sa pamu­nuan ng UP ang ano mang gagawing pagpasok ng pulisya sa campus ng pamantasan. Kasi, may mga balitang gina­­gawang recruitment zone ng mga Pulahan ang UP.

Lubhang nakakabahala ito dahil umano’y maraming­ UP students ang umanib sa NPA, naging rebelde at na­matay sa enkuwentro sa militar. Dapat naman talagang mapasok ng pulisya at mga awtorisadong imbestigador gaya ng NBI ang ano mang campus kung may krimen na nagaganap basta’t may kaukulang warrant mula sa korte.

Dapat ituring na mga ordinaryong tulisan ang mga NPA sa ginagawa nilang extortion at pananabotahe at mga ala­gad ng batas ang dapat na isagupa sa kanila. Kasi, kung militar ang itatapat sa kanila ay parang binibigyan pa ng mataas na pagkilala ang mga rebeldeng komunista bilang mga mandirigmang nagmamalasakit sa bayan gayung pulos sila nga tulisan at mamamatay tao.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with