Kuwento ng estudyante sa pagbalik sa kanyang guro
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

“Naaalala mo po ba ako?” Tanong ng binata sa matandang guro. Dahil hindi siya nakilala, anang binata na dati niya siyang estudyante.

Nagtanong ang matanda, “Ano na ang ginagawa mo sa buhay?”

“Naging guro po ako,” ganadong sagot ng binata.

“Ah guro, katulad ko, magaling ‘yan.”

“Opo, sa totoo lang, naging guro ako dahil na-inspira na tularan ka.”

Inusisa ng matanda kung kailan ito nagpasya maging guro.

Malugod nagkuwento ang binata: “Isang araw ipinakita ng kaklase ko ang bagong relos niya. Nainggit ako, sinikwat ko ‘yon sa kanya at ibinulsa ko. Napansin ng kaklase ang pagnakaw at nagsumbong siya sa aming guro, sa inyo. Sinabihan mo po ang buong klase na isoli ang nawawalang relos. Nang walang umimik, ipinasara mo ang pinto, pinatayo kaming lahat at pinapikit. Sabi mo kakapkapan kami lahat, para mahanap ang relos. Sinimulan mong kapkapan ang iba. Pagdating sa akin, nakuha mo ang relos sa bulsa ko. Tapos ipinagpatuloy mo ang pagkapkap sa iba pa. Pagkatapos, pinadilat mo kami, inanunsiyo, at ipinakita ang nawawalang relos. Ibinalik mo ito sa may-ari.

“Hindi mo po ako binisto. Sa halip pinanatili mo ang aking dignidad. Naisip kong magbagong buhay at umiwas sa mali. Noong araw na ‘yon nagpasya po akong tularan ka at maging guro. Maraming salamat sa iyo.”

Napangiti ang guro: “Kinalimutan ko na ang insidente. Ni hindi ko alam na sa iyo ko nakuha ang relos. Kasi nakapikit din ako noon.”

Kung sa pagtutuwid ay kailangan mo magpahiya, hindi ka marunong magturo. Kuwentong halaw sa Interne na isina-Tagalog ko)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SAPOL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with