Magkakasunod na trahedya
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2019 - 12:00am

AKO’Y nalungkot sa nabasa sa diyaryo at napanood sa TV na mga magkakasunod na trahedyang nangyari sa ating bansa. Naniningil na ang kalikasan dahil hindi natin ito napuprotektahan. Masyado tayong naging abusado.

Katatapos lamang ng lindol sa Batanes at hindi pa man sila nag-uumpisang bumangon, ayan na naman at meron na namang bagyong paparating. Kawawa ang mga kababayan nating Ibatan dahil ang tira-tirahan ng lindol na puwede nilang pagsilungan pagdating ng bagyo ay may mga bitak ang dingding o pader. Makikipagsapalaran sila kaysa naman manatili sa mga tent na isang bugso lang ng hangin ay giba na.

Araw pa lamang ang nakalilipas, trahedya na naman sa dagat ang nangyari. Tatlong magkakasunod na pampa­saherong bangka ang lumubog biyaheng Iloilo-Gui­ma­­ras. Hindi kaya kulang sa abiso kaya nangyari ang ga­­­nitong trahedya? May nauna nang lumubog na isa, da­­­­­lawa, bakit napangatluhan pa? At ang rason kalma naman­ ang dagat nang sila’y maglayag dangan nga lamang at ina­butan ng kamalasan pagdating sa gitna dahil luma­kas ang ulan at sinalubong sila ng malalaking­ alon. Kaya wala ngayong mapagbuntunan ng sisi. Sa bawat pampasaherong barko o bangka man, ‘yan ay kum­­pleto­ ng kagamitan tulad ng life vest. Para abutan man ng ganitong aberya sa karagatan, maliligtas ang mga pasa­hero.

Ang patuloy na pananalasa ng dengue sa ating bansa ay nakakaalarma na. Hindi maawat ang mga pasyen­teng nagpupunta sa mga ospital. Ang Dengvaxia na sana ay pipigil sa salot na dengue ay malabong kagatin ngayon ng ating mga kababayan dahil nga sa nangyaring kontrobersiya. Marami nang doctor ngayon ang nagrere­komenda dahil hindi nga masupil ang sakit na dengue.

Ang mahirap nito, we only take measures habang nan­diyan ang problema. We should always take preventive measures after the disease is already upon us, by that time it’s too late.

BATANES EARTHQUAKE TRAGEDY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with