_ngayon
^

Pebrero na

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2018 - 12:00am

Pebrero na ngayon buwan ng pag-ibig

isang taong singkad nagdaang mabilis;

pero dati pa rin ang ating daigdig

walang nagbabago sa ating paligid!

At tulad ng dati dito sa Pilipinas

mga Pilipino pag ibig ay haling;

nagmamahal sila pero parang lasing

lalaki’t babae madaling magmaliw!

 

May mga lalaking ang hanap na mutya

malaki ang bahay sa pera’y sagana;

ayaw mag trabaho pag-asenso’y wala

kaya ang pamilya laging lumuluha!

 

Itong mga mutya’y gayundin ang hangad

kaya hantong nila’y kasawiang palad;

sila’y nagpabaya sa maraming anak

kaya ang mga anak lumaking halaghag!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with