^

PSN Opinyon

Pangatlong telecom company

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IPINAHAYAG ni President Duterte na ang nais niya, pagpasok ng bagong taon, tumatakbo na ang kompanyang telecom mula sa China. Pero kung si Sen. Panfilo Lacson ang tatanungin, na sinesegunduhan din ng ilang sektor, wala na bang ibang mapagpipilian na pumasok sa bansa, maliban sa China Telecom? Ang isyu ni Lacson ay seguridad, kung makapasok na nga ang China Telecom sa bansa. Tandaan na may isyu pa rin ang bansa sa China hinggil sa mga isla sa South China Sea, kahit tila hindi ito binibigyan ng halaga ni Duterte.

Hindi na nakapagtataka kung bakit telecom mula China ang gusto, kung marami namang mga ibang kumpanyang telecom sa buong mundo. Sa tingin ko naman ay hindi na isyu ang seguridad, dahil bukas na bukas na rin naman ang bansa sa China dahil sa nais na rin ni Duterte maging kaalyado at kaibigan nito. May maitatago pa ba ang bansa, kung inuulan na tayo ng bilyon-bilyon ng China para sa mga proyektong imprastraktura, bukod pa sa ilang bagay na ibinigay na rin?    

Matagal nang idinadaing ng mamamayan ang mabagal na internet sa bansa. Numero 91 ang Pilipinas sa listahan ng Speedtest Global Index, November 2017. Mas mabilis pa ang internet sa Bangladesh, Kenya, Sri Lanka. Sa Asya, mas mabilis lang ang Pilipinas sa Cambodia at Indonesia. Singapore ang pinakamabilis sa mundo. May mga kilala nga ako sa US na ang bala­kid sa kanilang permanenteng pagbalik sa bansa ay ang mabagal na internet.

Nahuhuli na tayo sa teknolohiyang ito, sa kabila ng malakas na paggamit ng Pilipino sa social media at text. Ayon sa dalawang kompanya na humahawak ng internet, kulang na ang imprastraktura para mapabilis ang internet. Kung matuloy ang pagpasok ng China telecom, ano kaya ang gagawin nila sa imprastraktura? Kung mag­lalagay sila ng mga bagong kable at maglalatag din ng mga linya, hindi ito madaling magagawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with