^

PSN Opinyon

‘Bagong tahanan ng Bitag Live, abangan sa Agosto!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

APAT na linggo na ang nakalilipas nang huling umere ang BITAG Live sa Radyo Singko. Marami ang nagulat, marami ang nagtaka at nagbigay ng iba’t ibang sapantaha ng pagkawala naming mag-utol na si Erwin sa Tv5.

Hindi na makabubuting halukayin muli ang dahilan subalit lilinawin ko at pangangatawanan ko, hindi ako nag-resign o tinanggal ng singko dahil HINDI naman nila ako empleyado. Wala akong pinirmahang kontrata o anumang kasulatan na ako ay may pananagutan sa istasyon.

Pro-bono ang ginagawa kong pag-ere ng BITAG Live sa Radyo Singko, hindi ako binabayaran o tumatanggap ng kahit na magkanong suweldo. Sarili kong desisyon na umalis bilang simpatiya sa kapatid kong si Erwin.

O bueno, moving on, naghuhuramentado na ang aming­ mga tagasubaybay sa BITAG Live na maagang gumigising para antabayanan ang aming programa.

Siya, ang magandang balita – malapit nang sumahimpapawid muli ang BITAG Live. Ang bagong tahanan ng BITAG Live, ang People’s Television Network Inc (PTV4).

Simula sa Agosto, mapapanood ang BITAG Live, 8:00 hanggang 9:00 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa PTV4 simulcast sa Radyo Pilipinas 738 AM band.

Para sa mga tagasunod namin sa labas ng Pilipinas, saang sulok man ng mundo ay mapapanood ang BITAG Live via live streaming sa Bitag Live FB page.

Mas pinalakas, mas maiiinit na isyu ang tatalakayin, no-nonsense analysis sa mga kaganapan sa bansa at no holds barred, Ben Tulfo will say it right in your face. 

Kasalukuyan akong nakabakasyon dito sa San Francisco at babalik ng Pinas sa unang linggo ng Agosto.

Antabayanan lamang ang iba pang anunsiyo hinggil sa pag-ereng muli ng BITAG Live sa bago nitong tahanan, ang PTV4. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with