^

PSN Opinyon

Kapag pera na ang problema

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAKING problema ang hinaharap ng Bureau of Immigration (BI) ngayon. Hinarang ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagbigay ng overtime pay sa mga empleyado ng BI, na magmumula sana sa “express lane fees” na nakokolekta ng kawanihan. Ilagay na lang sa kaban ng bayan ang mga makokolekta sa “express lane fees”. Kaya ngayon, maraming empleyado ng BI ang umalis na, o nag-file ng mga mahahabang leave, o may planong umalis na. Ang resulta, mahahabang linya sa imigrasyon ng NAIA dahil kulang na kulang ang pumapasok. Siyempre, ang taumbayan ang magdurusa. 

Nagtuturuan naman ngayon ang ilang miyembro ng Gabinete ni Duterte kung sino ang may kasalanan. Tila hindi nagtutugma ang mga pahayag ni DBM Sec. Diokno at Immigration Commissioner Jaime Morente hinggil sa klasipikayon ng mga empleyado ng BI. Ayon kay Diokno, madaling palitan ang mga empleyado ng BI dahil “contractual” lang sila. Akala ko ba ang isa sa mga pangako ng administrasyong ito ay tanggalin na ang contractua-lization? Ano pala ang tawag sa nagaganap sa BI? Pero ganun na nga, ang taumbayan ang nahihirapan. Kung may biyahe kayo palabas ng bansa, agahan na lang ang pagpunta sa airport at baka mahahaba na ang pila sa immigration, kung iilan na lang ang pumapasok.

Kapag pera na talaga ang problema, asahang hindi magtatagal ang empleyado. Ayon sa tagapagsalita ng BI, kailangang itaas ang pangunahing sahod ng mga empleyado. Kaya sila umaasa sa overtime pay dahil mababa ang pangunahing sahod. Hindi rin masisisi ang mga empleyado kung maghahanap na lang ng ibang trabaho. Ang problema lang ay sensitibo ang mga posisyon nila, na hindi basta-basta mapapalitan ng mga bagong pasok. Kailangan dumaan sa masuring pagsasanay, at ang mga Immigration Officer (IO) ang unang depensa ng bansa sa mga taong may masasamang hangarin na makapasok sa Pilipinas. Sila rin ang nagbabantay sa mga gusto naman tumakas mula sa batas. Dapat marunong silang tumingin ng maayos na passport at baka makalusot ang mga peke. Kung may pera umano na pantayo ng mga bago at mas magandang bahay para sa mga nawalan ng bahay dahil ipinamigay na sa Kadamay, hindi ba dapat may pera para itaas, kahit bahagya, ang sahod ng mga IO?

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with