^

PSN Opinyon

Narito na ang pagpabago

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

NAGBUNYI ang mga militante nang makatuntong sila sa IBP Road malapit sa Batasang Pambansa Complex. Dati-rati kasi tuwing may State of the Nation Adress (SONA) ang presidente nagiging battle ground ang Commonwealth Avenue. Gumagastos ng milyun-milyon ang Philippine National Police, Metro Manila Development Authority at Quezon City Police District sa gasoline at pagkain, subalit ngayon walang gaanong gastos ang mga naturang ahensiya dahil wala silang haharanging militante sa kalye. Siyempre walang kakasuhan ang Commission on Human Rights dahil walang gulong magaganap habang nagbibigay ng mensahe si President Rodrigo Duterte sa joint session ng Senate at House of Repre­sentatives. Lumang tugtugin at estilo ang pakulo ng PNP sa pagkamatay ng pushers. Di ba mga suki? 

Sa hanay naman ng militante walang manggugulo dahil binuksan ni President Duterte ang Malacañang noong inagurasyon kaya wala nang dahilan pang umalma­. Tama lang naman na huwag munang maging ma­pusok ang mga militante dahil nag-uumpisa pa lang si Duterte sa pagba­langkas ng mga batas na karapat-dapat sa mga Pilipino. Ngunit  may mga pruweba nang nakikita kay Duterte, una ay ang resulta sa operasyon ng droga. Halos araw-araw at gabi-gabi may napapatay na drug pushers kabilang na ang big time drug lord na si Meco Tan. Ang masakit nga lamang ay sinasawsawan ito ng vigilantes na nakakasira sa imahe ng PNP. Unti-unti nang tumitiklop ang mga “tabakuhan” ng mayors sa kalsada (sidewalk vendors). Approved at gumugulong na ang Executive Order sa Endo at FOI. Kaya ang aaba­ngan na lang ng mga militante kung maipatutupad nga ito sa administrasyon ni Duterte.

Malaki ang tiwala ko kay Duterte na magagawa niyang baguhin ang batas para mapakinabangan ng mga mahihirap nating kababayan. Ngunit may alinlangan ang ilan nating kababayan kung maipapatupad nga ito ng mambabatas. Kasi noon tuwing unang SONA ng presidente puro pangako ang namumutawi na sa kalaunan ay nababaliwala ng pamahalaan kung kaya umaalma itong mga militante. Ngunit sa pananaw ng aking mga kausap, mas makamandag si Duterte sa lahat ng mga naging lider ng bansa dahil ang utos niya ay hindi basta-basta nababali ninuman. Katulad na lamang nitong kampanya sa droga na umaabot na sa 110,000 pushers at users ang sumusuko sa PNP sa takot na mapatay. Mahigpit ang utos ni Duterte kay PNP chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na walang sasantuhin sa mga nagpapalaganap ng droga sa bansa. Nagsisimula na rin ang kalbaryo ng ilang pulis na nagpabaya sa puwesto dahil ipatatapon sa Mindanao. Bawat opisyal ng PNP ngayon ay may kanya-kayang estilo sa pagkalinga ng mga sumusuko. Katulad na lamang sa Eastern Police District kung saan pinagsu-zumba ni Senior Supt. Romulo Sapitula  ang 3,170 pushers/users sa Marikina, Pasig, San Juan at Mandaluyong. Malinaw na si Duterte lang ang nakagawa ng pagbabago.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with