^

PSN Opinyon

Dapat may criminal case rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LIMANG buwan ang lumipas nang kumalat sa balita ang abusadong drayber ng Uber na nagalit sa kanyang pasahero at tangka pang saktan nang malubha sa pamamagitan ng tubo. Sa imbestigasyon na ginawa, lumalabas na wala naman palang pahintulot o permit ang nasabing drayber na mag-operate sa ilalim ng Uber. Nagpataw ng multang P200,000 ang LTFRB sa drayber, at kinansela na ang anumang aplikasyon para maging taxi drayber o kung ano pang sasakyang pampubliko. Hindi pinaniwalaan ang depensa ng drayber na ininsulto daw siya nang husto ng pasahero kaya bumawi lang siya.

Sa tingin ko hindi lang dapat patawan ng multa at kan­selahin ang lisensya, kundi kasuhan na rin ng kri­minal na kaso. Binantaan niya ang isang babae, gus­tong hampasin ng tubo. Anong klaseng lalaki ito? Ano pala ngayon ang kinabukasan niya, dahil sa kanyang pagwawala na wala sa lugar? Sana nga talagang masi­ngil ang P200,000, at makansela ang kanyang lisensya magmaneho ng kahit anong sasakyan. Dapat magsampa ng kaso ng grave threat ang pasahero laban sa drayber, para makumpleto na ang kanyang parusa.

Marami pang kaso ng pang-aabuso ng mga drayber sa kanilang mga pasahero ang kasalukuyang iniimbestigahan ng LTFRB. Ang iba, may video pa. Siguro naman hindi aabot ng limang buwan ang mga kasong ito kung may video. Kailangang matanggalan na ng lisensya ang mga abusado at peligrosong drayber na ito. Sa mga nakaraang buwan, ilang sunud-sunod na insidente ang nakunan ng video kung saan bastos, arogante at peligroso ang mga drayber ng taxi. Ang isa, naglabas pa ng samurai. Pababalikin pa ba ng LTFRB sa kalsada ang taong ito?

Iba na talaga ang panahon ngayon. Bukod sa matinding trapik, nalalagay na rin sa peligro ang mga mamamayan dahil sa mga abusadong drayber. Alam ko may panukalang batas na nagbibigay ng karapatan at proteksyon sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan. Dapat maipasa na kaagad, para magsilbing babala at balakid sa mga abusado, kriminal na drayber na nabigyan ng mga lisensiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with