^

PSN Opinyon

Mga kamalasan

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang ako’y nagpipigil lamang

Na dito’y sulatin mga kamalasan;

Ang una’y malas ko sa sariling buhay

Pangalwa’y ang malas nitong ating bayan!

 

Unang kamalasan ay aking nadama

Sa mga pagkaing hindi pala tama –

Dahil kumikita at naging sagana

Pagkaing masarap ay tinikmang pawa!

 

Matatabang isda, masarap na litson

Pagkaing matamis, de lata at hamon;

Saka crispy pata, tsokolateng mamon

Kaya naospital sa mga nilamon!

Sumunod kong malas ako ay nilisan

Ng mahal kong mutya na mahal kong ginang;

Umakyat sa langit at ako’y iniwan

Puso ko’y lumuha laking kamalasan!

 

Sumunod kong malas ay malas ng bayan

Dahil mga lider ay malas sa buhay;

Malakas na bagyo ay biglang nagdaan

Ito’y si Yolanda pumuti ng buhay!

 

Malas din ang bansa at kahiya-hiya

Krimen at patayan ngayo’y naglipana;

Pulis at military ay kasabwat yata’t

Hindi malunasan traffic sa Maynila!

 

MRT, LRT ay biglang lumitaw

Pero laging sira baya’y umaangal;

At ang PNR tren ay pinabayaan –

Mga nasa province sabik sa pasyalan!

 

Mga pulitiko ay nagkalat ngayon

Dahil malapit na pambansang eleksyon;

Sa halalang ito malas ibang paksyon

Tiyak dadayain ng nasa posisyon!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with