Kahanga-hanga si Harvey
Roy Señeres (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2015 - 9:00am

BIGLANG nakilala rito sa atin ang 2015 Miss Universe Beauty Pageant host Steve Harvey dahil sa kanyang monumental blunder.

Una niyang ibinalita na Miss Universe winner si Miss Colombia Ariadna Gutierrez y Arevalo. Pagkaraan ng ilang minuto natuklasan niya ang kanyang pagkakamali kaya sinabi niyang “I apologized.”

Sumabog ang palakpakan at hiyawan nang sabihin  niyang  “’The 2015 Miss Universe...Philippines.”

Sa 64 na taong kasaysayan ng Miss Universe contest na nagsimula sa Long Beach, California noong 1951 (si Miss Philippines Cristina Galang ang ating unang kinatawan na pinanalunan ni Miss Finland Armi Kuusela ang unang Miss Universe na nakapag-asawa ng isang Pilipino si Virgilio Hilario) ngayon lamang naganap ang malaking boner na ito.

Isang malaking kahihiyan kay Miss Colombia ang maling announcement ni “Tibo” Harvey dahil nakoronahan na siya.

Nguni’t maganda pa rin ang poise ni Miss Colombia under extreme kahihiyan samantalang stunned at shocked ang reaksiyon ni Miss Philippines nang marinig niya na siya ang Miss Universe.

Napakabilis ng mga pangyayari. Matapos marinig  ni Pia na siya ang “first runnerup” ay muling ibinalita ng host na siya ang “Miss Universe..”

Kaya hindi namin masisisi si Pia kung parang hilong talilong ang kanyang reaksiyon. Pero sa gitna ng pag­kabigla queenly at regal pa rin ang pose at poise ni Pia.

Going back sa “monumental blunder of epic magnitude” ng host na si Harvey, hinahangaan namin siya at humanga rin sa kanya ang marami dahil isa siyang tunay na lalaki.

Agad siyang humingi ng tawad sa kanyang pagkakamali. Ito ay kabaliktaran nang masamang asal ng isang kilalang tao sa ating bayan, na kahit minsan ay hindi niya inamin ang kanyang sandamakmak na pagkakamali.

Katunayan lagi niyang sinisisi ang isa ring kilalang personalidad sa kanyang mga kapalpakan. Dahil hindi siya marunong humingi ng tawad at ang tingin  yata sa kanyang sarili ay perpekto siya kaya nabawasan ang paggalang namin sa kanya. Higit na kapuri-puri si Harvey sa kanya sa paghingi ng tawad.

Anyway, congratulations kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na nagmula sa Mindanao.

Ano kaya kung ang isa sa dalawang kandidatong taga-Mindanao ang ating susunod na presidente?

Merry Christmas sa inyong lahat.

ACIRC ANG KANYANG LONG BEACH MERRY CHRISTMAS MINDANAO MISS MISS COLOMBIA MISS COLOMBIA ARIADNA GUTIERREZ MISS UNIVERSE UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with