‘Petty crimes’
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2014 - 12:00am

PANGKARANIWAN na sa publiko ang mga tanawin ng pananalisi, snatching, pickpocketing at mga kauring krimen sa mga pampublikong lugar.

 Subalit, naninindigan ang Philippine National Police (PNP), bumaba na ng 50% ang krimen sa buong Metro Manila. 

Sinabi ito mismo ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas nitong nakaraang linggo kasabay ng patuloy nilang reporma at kampanya sa pamamagitan ng “Oplan Lambat” ng PNP.

 Anim na buwan pa lang daw ito pero malaki na ang naibawas sa estatistika ng krimen. Ang problema, iba ito sa boses ng taumbayan.

 Kung pagbabatayan ang mga balita o mga nakikita sa lansangan na hindi na naipaparating sa mga awtoridad at hindi na naitatala sa mga presinto sa blotter book, talamak pa rin ang mga petty crime.

 Lalo na sa ganitong mga panahon ng “ber” months kung saan marami ang nasa labas at abala sa kapaskuhan, nagkalat ang mga masasamang-loob at kriminal. Nag-aabang ng mga mabibiktima at mahuhulog sa kanilang BITAG.

Kaya paalala kay Juan at Juana Dela Cruz, kung hindi maasahan ang mga lespu dahil kapag may krimen kinakailangan pa muna silang hanapin, tawagan at hintayin, doble ingat nalang.

Huwag papakampante lalo na kapag mag-isa sa labas. Kung ikaw ay babae, mas mataas ang panganib sa lansa-ngan. Kaya ugaliing maging ‘lerto at ‘listo sa lahat ng oras sa inyong kapaligiran.

Malaking bagay sana ang central communication system. Hindi puro mga HD CCTV na ipinangangalandakang ikakabit daw ng DILG at PNP sa bawat sulok ng Metro Manila.

 Ang masaklap na katotohanan, nagmumukha na akong sirang plaka sa aking programa at sa kolum kong ito sa pagtalakay sa kahalagahan ng crime prevention infrastructure na ito, pero sadyang hindi ito pinapansin ng mga nakaupo sa gobyerno.

 Abangan ang mga babala kontra modus sa BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

ABANGAN INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SEC JUANA DELA CRUZ KAYA MAR ROXAS METRO MANILA OPLAN LAMBAT PHILIPPINE NATIONAL POLICE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with