^

PSN Opinyon

‘Inagaw ang aking motor’

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Nais ko pong humingi ng tulong na maipaabot sa inyong mambabasa ang panawagan sa isang hold-up at carnapping incident na aking naranasan. Kung maari po na ako ay matulungan ng inyong pahayagan na mahanap at matunton ang kriminal at ang aking motor na ginagamit ko para sa kabuhayan ng aming pamilya.

Noong Miyerkules, Oktubre 30, 2014, sa pagitan ng 7:00 – 7:30 ng gabi sa harapan ng 7/11 sa Marvin Plaza Building, Chino Roces Avenue, Makati City.  Habang ako po ay naghihintay sa aking asawa mula sa kanyang trabaho, may isang lalaking lumapit sa akin at tinutukan ako ng baril para kunin ang aking motor. Hindi ko po namukhaan ang lalaki dahil sa napakabilis ng pangyayari at medyo madilim na din ang lugar. Wala pong nakapansin dahil pasimple po itong lumapit sa akin at binulungan lang ako.  Sa takot ko pong mabaril ay wala na pong pag-aatubili kong binigay sa kanya ang motor. Sa kasalukuyan, ito po ay amin nang naidulog sa mga pulis para sa imbestigasyon.

Ang mga sumusunod po ang mga impormasyon para sa pagkakakilanlan ng aking motor: Model: Kawasaki Fury 125, Year:  2012; Color: Red; Plate No.: XR3473; MV File No.: 1312-00000375392; Engine No.: Ax12aepf1720; Chassis No.:Ax125a-ba6734

Maraming salamat.

JOEL JORDAN, 09999955662/09989732839

CHASSIS NO

CHINO ROCES AVENUE

ENGINE NO

FILE NO

HABANG

KAWASAKI FURY

MAKATI CITY

MARVIN PLAZA BUILDING

NOONG MIYERKULES

PLATE NO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with