^

PSN Opinyon

Nunal: Mapanganib ba ito?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ano ba ang hitsura ng karaniwang nunal?

Lahat tayo ay may nunal, ngunit ang biglaang pagkakaroon o pagbabago ng hitsura ay baka isang senyales ng isang kanser.

Upang malaman kung ang isang nunal ay maaaring mapanganib o hindi, ginagamit ng mga doktor ang sumusunod na guide.

1. Ang lugar at hangganan ng lugar.

2. Ang nunal ay dapat na pabilog at pantay. Kung ito ay hindi regular at patulis, maaari itong maging tanda ng kanser sa balat.

3. Ang kulay ng nunal ay dapat na pantay, tulad ng sa lahat ng itim o lahat ay brown. Kung ang nunal ay may halo-halong mga kulay, dapat itong suriin kung kanser ba.

4. Ang diameter o laki ng nunal ay dapat mas mababa sa diameter ng isang pambura ng lapis, na 6 millimeters.

5. At kung ang nunal ay lumalawak sa laki, mas mabuti na makita ng isang dermatologist.

Huwag kang mag-alala. Mga babala lamang ito at walang tiyak. Pero dapat din tayo mag-ingat dahil mabilis kumalat ang skin cancer tulad ng melanoma.

Kumunsulta muna sa iyong doktor

NUNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with