^

PSN Opinyon

Ret. General Palparan, nanampal ng mayor

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nanampal ng mayor si retired Army Maj. Gen. Jovito Palparan noong nasa serbisyo pa?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay PLLO Sec. Manuel Mamba, Mr. Fred Elizalde ng Manila Broadcasting Co., Jolie Macuja, Jonathan Decena, Hyacinth Senoron, Bro. Manny Ordinario at Bro. Delfin Velasco.

Alam n’yo bang sinampal ni Palparan ang isang mayor sa Bulacan dahil may hinala siyang symphatizer ito ng mga rebeldeng New People’s Army.

May tinanggap kasing intelligence information si Palparan noon na may sightings ng NPA sa bayan ni Mayor subalit hindi nito inirereport sa AFP at maging sa PNP.

Dahil dito, nagalit si Palparan kay mayor. Sa isang pagkakataon ay nagkita si Palparan at ang mayor. Inimbitahan niya si mayor na mag-usap sila nang masinsinan.

Ayon sa aking bubwit, talagang naging masinsinan at pribado ang pag-uusap ng dalawa dahil nag-usap sila sa comfort room habang silang dalawa lamang ang naroon.

Pinagalitan at sinampal ni Palparan si Mayor dahil symphatizer daw ito ng NPA.

Dahil sa sobrang takot ni Mayor kay Palparan ay hindi na nakapagsalita at hindi na rin nagsumbong.

Wow, ang tapang ni Palparan. Kaya pala siya binan­sagan ng mga makakaliwa na “Berdugo ng Bayan.”

Ayon sa aking bubwit, ang mayor na sinampal ni Palparan sa CR ay isang human rights advocate. Siya ay si dating Mayor L. ng Bulacan.

vuukle comment

ARMY MAJ

AYON

BULACAN

DAHIL

DELFIN VELASCO

HYACINTH SENORON

JOLIE MACUJA

JONATHAN DECENA

JOVITO PALPARAN

MAYOR

PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with