^

PSN Opinyon

Cabinet secretary, nagalit sa kanilang mga caddy dahil kumain ng hotdog sandwich

SABI NI BUBWIT - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nagalit ang Cabinet member ni President Noynoy Aquino nang kumain ng hotdog sandwich ang kanilang mga caddy at umbrella girls?

Ayon sa aking bubwit, hiyang-hiya ang mga caddy at umbrella girls ng Wack-wack golf club sa Mandaluyong City dahil ikinagalit pala ng Cabinet secretary  ang pag-order at pagkain nila ng hotdog.

Nasa 9th Hole na noon si Secretary at ang kanyang mga kapwa players nang sila ay mag-meryenda sa Tee House. Umorder sila ng drinks at mga pagkain. May nagsabi rin na player sa mga caddy at umbrella girls na umorder ng pagkain. Umorder sila ng drinks at hotdog sandwich.

Nang babayaran na ni Secretary ang kanilang kinain, inisa-isa muna niyang tiningnan kung ano ang kanilang kinain. Nang makita ang bill ay na­galit. Tinanong ang waitress kung bakit naging walo ang order nilang hotdog sandwich samantalang isa lang ang order nila.

Nang sabihin ng waitress na umorder din ng sandwich ang kanilang mga caddy at umbrella girls ay lalong nagalit si Secretary. Bakit daw sila umorder, kaya nga raw ginawang 1:30 p.m. ang kanilang tee off ay upang nakakain na ang mga caddy. Hiyang-hiya ang mga ka-flight ni Secretary. Meron pang nagbiro na huwag na siyang magalit baka maging bawas boto pa ito sa mga kandidato nila sa administrasyon. Nangyari kasi ito bago ang May 13 elections.

Yung mga caddy at umbrella girls naman ay nainsulto dahil nagmukhang patay-gutom daw sila. Kung pwede lang daw isuka ang hotdog ay isinuka nila at ibinigay kay Secretary.

Ang Cabinet secretary na nagalit nang umorder ng hotdog sandwich ang mga caddy ay si Secretary M. as in Matapobre.

vuukle comment

ANG CABINET

CADDY

MANDALUYONG CITY

NANG

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SECRETARY

SECRETARY M

TEE HOUSE

UMORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with