^

PSN Opinyon

Pinas sasakupin na ba ng China?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nakakakilabot na ang pinaggagagawa ng China sa sarili nating teritoryo. Isang bagong plano ng China na magtayo ng artipisyal na isla malapit sa Palawan ang inuumpisahan na.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippine Sea (WPS) ito ay ginagawa sa Escoda na ang layo sa Palawan ay 75 nautical miles lang. Dito ay natuklasan ang ikinakalat na dinurog na corals na palatandaang uumpisahan ang isang reclamation para sa artificial island. Sa isang slide presentation, ipinakita ni Tariela ang pagkasalanta ng naturang lugar dahil sa gagawing artificial island.

Tapos sasabihin pa ng embahada ng China na huwag pigilan ang kanyang bansa sa ginagawa sa West Philippine Sea? Bastusan na iyan! Pababayaan ba ng pamahalaan ang ganyang pang-aalipusta?

Ang higit na nakaiinis ay China pa ang hambog na nag-aakusa sa atin ng pambubuyo gayung  dumedepensa lang tayo sa kanilang pangangamkam ng teritoryo. Para saan pa na mayroon tayong relasyon diplomatic sa bansang ito kung tayo ay binubusabos?

Sa ganang akin, mas mabuti kung wakasan na lang ang diplomatic ties sa China. Palayasin ang embahador at ideklarang persona non grata.

Ani Tarriela, may 34 Chinese maritime militia vessels na nakapalibot sa Escoda Shoal.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with