^

PSN Opinyon

Senator-elect JV Ejercito, muntik nang malaglag sa magic 12

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo ba ang dahilan kung bakit kamuntik nang hindi pumasok sa magic 12 si Senator-elect JV Ejercito?

Ayon sa aking bubwit, kung mataas ang rating ni JV sa mga nakalipas na surveys bago mag-elections, ito ay taliwas naman sa naging resulta ng katatapos na election.

Sa mga nakalipas na surveys ng Social Weather Stations at Pulse Asia, si JV ay hindi bumabagsak sa kanyang posisyon mula pang-anim hanggang pang-walong puwesto. Ngunit sa resulta ng eleksiyon noong May 13, marami ang nagulat sapagkat siya ay bumagsak sa pang-11 posisyon.

Ayon sa aking bubwit, hindi  dapat sisihin ni JV dito ang Comelec. Ang dapat sigurong sisihin ay ang isang opisyal na malapit sa kanya subalit malayo pala sa kanyang kalooban.

Ang isang dahilan kung bakit kamuntik pang malaglag sa magic 12 si JV ay dahil merong taong nangampanya sa kanya para huwag iboto.

Ayon sa aking bubwit, ang mga malapit na kaibigan ng naturang opisyal katulad ng ilang local officials at mga kongresista ay pinakiusapan na huwag iboto si JV.

Ang naging resulta, nangulelat tuloy ang isa sa mga paboritong anak ni dating President Erap Estrada.

Ayon sa aking bubwit, ang opisyal na “malapit subalit malayo” pala kay JV na nangampanya para huwag siyang iboto ay si Mr. J. as in Joe.

AKING

AYON

COMELEC

EJERCITO

MR. J

NGUNIT

PRESIDENT ERAP ESTRADA

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with