^

PSN Opinyon

Malacañang official, nagpasiklab sa mga kaibigan, gumamit ng private plane nang magtungo sa Cebu

SABI NI BUBWIT - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM  n’yo bang grabeng magpasiklab ang isang opisyal ng Malacañang?

Ayon sa aking bubwit, nag-charter pa ng private plane ng King Air ang opisyal nang makipagsosyalan sa kanyang mga kaibigang socialites sa Cebu City.  

Wow, alam kaya ito ni President Noynoy Aquino? Hindi kaya taxpayers money ang ginamit sa pag-arkila ng private plane?

Ang ginawa lang naman pala nitong opisyal ay nakipag-reunion sa kanyang dating kaklase sa Harvard University. Hindi na sana mabibisto ang ganitong luho ng nasabing opisyal kung hindi nagpakita sa kam­panya ng mga kandidato ng Team P-Noy sa Cebu City kamakailan.

Ayon pa sa aking bubwit, tahimik lang itong opisyal sa Malacañang subalit may sikreto rin palang kayabangan. Mana yata sa kanyang tatay na opisyal din ng pamahalaan. Simpleng mayabang din. Nagpatayo naman ito nang napakalaking billboard sa kanilang bayan pero hindi naman kandidato.

Ang malupit dito ay ang hindi natuloy na farm to market project sa kanilang prubinsiya. Pinabayaan  na tumigas ang maraming semento na gagamitin sana sa paggawa ng kalsada.

Ang nanay naman nitong kongresista ay gumastos naman ng daang milyon para sa pagtatayo ng dam. Pero ang problema, ang nasabing dam ay binasagang Dam to nowhere.

Ayon sa aking bubwit, ang opisyal ng Malacañang na nag-charter ng private plane nang makipagsosyalan sa Cebu City ay si Secretary J. as in Juliet.

vuukle comment

AYON

CEBU CITY

HARVARD UNIVERSITY

KING AIR

MALACA

OPISYAL

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SECRETARY J

TEAM P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with