^

Metro

Grade 5 patay sa septic tank ng iskul, 3 pa sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Grade 5 patay sa septic tank ng iskul, 3 pa sugatan
Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng tanghali habang lunch break ng mga estudyante ay sabay-sabay na kumakain habang nakaupo sa konkretong upuan na katabi ng septic tank sa loob ng kanilamg eskuwelahan.
STAR/File

Nahulog habang kumakain

MANILA, Philippines — Patay ang isang Grade 5 student habang tatlo pang kaklase nito ang inoobserbahan sa pagamutan makaraan silang mahulog sa isang septic tank ng eskwelahan habang kumakain ng pananghalian, kamakalawa sa Sinaliw Malaki ­Elementary School sa Brgy. Sinaliw Malaki, Alfonso, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng tanghali habang lunch break ng mga estudyante ay sabay-sabay na kumakain habang nakaupo sa konkretong upuan na katabi ng septic tank sa loob ng kanilamg eskuwelahan.

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nag-collapse ang inuupuan ng mga estudyante dahilan upang bumagsak sila sa septik tank at dire-diretso sa loob nito.

Na-stuck sa loob ang mga estudyante at makalipas ang ilang oras na pag-rescue sa kanila ay isa-isang naiahon ang mga biktima.

Agad na itinakbo sa pagamutan ang apat subalit idineklarang dead-on-arrival ang 12-anyos na biktimang si alyas “Criszel”, mag-aaral ng nasabing school habang nagtamo ng mga sugat ang tatlo pang kaklase nito na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with