UP professor dinakip sa ‘di pag-remit ng SSS contribution
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City police ang professor ng University of the Philippines dahil sa umano’y hindi pagre-remit ng Social Security System (SSS) contributions.
Kinilala ng QCPD-Criminal Investigation Detection Unit ang suspek na si Professor Melania Flores, dating presidente ng All U.P. Academic Employees Union (AUAEU).
Si Flores ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Section 22 (a) may kinalaman sa Section 22 (d) at Section 28 (e) ng Republic Act 8282 dahil sa umanoy ‘di pagre-remit ng SSS contribution ng kasambahay.
Ang suspek ay dinala ng QCPD sa Camp Karingal para sa kaukulang imbestigasyon.
Sa nangyari, iba’t ibang samahan ang nanawagan ng pag re- release kay Flores. Argumento ng mga ito na labag sa UP-DILG Accord of 1992 ang paghuli kay Flores dahil walang koordinasyon sa administrasyon ng UP Diliman ang ginawang pagpasok ng mga pulis sa UP campus.
- Latest