^

Metro

‘Carless Sundays’ sa Roxas Blvd. ipatutupad simula Mayo 5

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula ngayong Mayo 5 ay ipatutupad na ang pagbabawal sa mga sasakyan sa northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard, sa bahagi ng Maynila.

Ito’y batay sa naipasang city ordinance ng Manila City Council (MCC) na magbabawal sa lahat ng uri ng motorized vehicle sa north at southbound lane ng Roxas Boulevard tuwing araw ng Linggo.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, magsisimula ang pagpapatupad ng ban mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino ­Avenue.

Sinabi ni Manila City Sixth District Councilor Salvador Philip Lacuna, ang may akda ng ordinansa sa ika-130 Regular Session ng MCC, mahalaga ang pagkakaroon ng fit at healthy lifestyle kaya niya ito inihain.

Ikinuwento niya ang naging karanasan noong kabataan niya, na habang nagbibisikleta sa kahabaan ng R. Blvd. ay nasasaksihan niya ang sikat na Manila Bay Sunset.

Bukod sa makakapag-ambag ito sa environmental protection program ng lungsod, makatutulong pa ito sa malusog at maayos na pangangatawan ng komunidad.

“The ordinance was practically patterned after the “car-free or carless days” in certain metropolitan cities such as Paris, New York, Vancouver etc. It was also tried in nearby ci­ties such as Makati and Pasig,” saad ng MCC.

Ang World Car-Free Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-22 ng Setyembre, kung saan hinihikayat ang mga motorista na huwag gumamit ng kanilang mga sasakyan sa loob ng isang araw at gumamit ng iba pang paraan ng tulad ng jogging, paglalakad at pagbibisikleta.

Ang pagdiriwang ay kasabay din ng pagdiriwang ng Mobility Week sa Europe.

“The filed draft ordinance was encou­raged and supported by the members of the council. All of them are looking forward to experiencing a car-free Sunday in the City of Manila. This is also a way of letting people enjoy the natural beauty of the city, particularly the view of Manila Bay,” anang MCC.

vuukle comment

ROXAS BOULEVARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with