^

Metro

23 tarantula, nasabat ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 23 buhay na tarantula na itinangkang ipuslit sa bansa kamakailan.

Nabatid na nadiskubre ang mga tarantula na kabilang sa mga endangered wildlife sa isang parcel sa Central Mail Exchange Center noong Nobyembre 21 na idineklarang “Snacks and other Foodstuffs” mula sa Hanoi, Vietnam.  May address naman ang consignee nito sa Makati City.

Ngunit nang inspeksyunin ang nilalaman nito, nadiskubre ang 23 tarantula na nakatago sa loob ng mga plastic contai­ners.

Dinala na ang mga nasabat na tarantula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pag-monitor sa panganga­laga.

Ayon sa BOC, ang tangkang smuggling ng wildlife ay paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, at Section 27 ng RA 9147, o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Muli namang nangako ang BOC sa mahigpit na pagbabantay para maiwasang makapasok sa bansa ang mga wildlife species lalo na iyong mga nanganganib na sa pagkaubos.

BOC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with