^

Metro

Ginang binaunan ng bala sa ulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang makaraang baunan ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa may Tondo, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Maria Fe Villafrancia, 39, at nakatira sa Aroma Building 14, Brgy. 105, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang pamamaril kay Villafrancia sa tapat ng Helping Building 7 sa Aroma, ng naturang barangay.  Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga residente hanggang sa makitang nakabulagta ang duguang biktima.

Ayon sa mga saksi, isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt, itim na pantalon, sumbrero at may taas na 5’7  ang gunman. Agad na nadakip siya ng mga pulis sa ikinasang follow-up operation ngunit hindi muna pinangalanan hanggang hindi natatapos ang kanilang imbestigasyon at operasyon.

Kasama ring inaalam sa imbestigasyon ang motibo sa pamamaslang at ang posibilidad na may ibang mastermind sa pagpatay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with