^

Metro

Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa
Sa fuel forecast ng ­Unioil Petroleum Philippines, nabatid na ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P2.00 hanggang P2.20.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaasahang may mala­king pagtaas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo, habang may rollback naman sa presyo ng diesel.

Sa fuel forecast ng ­Unioil Petroleum Philippines, nabatid na ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P2.00 hanggang P2.20.

Ang presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng mula P3.80 hanggang P4.00 kada litro.

Ganito rin ang pagtaya  ng isa pang oil industry source, na nagsabing maaaring matap­yasan ang presyo ng diesel ng mula P2.40 hanggang P2.70 kada litro. Ang presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng mula P4.00 hanggang P4.30 kada litro.

Karaniwan nang iniaanunsiyo ng mga oil companies ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipatutupad naman ito sa susunod na araw.

Epektibo noong Martes, Mayo 17, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng  tapyas presyo sa domestic oil prices.

Nabatid na P0.40 kada litro ang ibinawas sa presyo ng gasolina habang P3.00 hanggang P3.10 naman kada litro sa presyo ng diesel.

Batay sa datos mula sa oil price monitoring ng Department of Energy (DOE), nabatid na ang presyo ng gasolina ay nasa P69.55 hanggang P81.95 kada litro na, habang ang presyo naman ng diesel ay nasa pagitan na ng P73.35 hanggang P80.61 kada litro.

vuukle comment

DIESEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with