Park sa Valenzuela isinara dahil sa paglabag sa health protocols
MANILA, Philippines — Muling isinara kahapon ng city government ng Valenzuela ang Valenzuela City Family Park sa Brgy. Karuhatan dahil sa mga paglabag sa health protocols.
Lunes nang buksan ng city government ang park kalakip ang ilang timeslot system at protocol upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Valenzuelano.
Subalit napansin ng city hall ang paglabag at hindi pagsunod ng mga dumarayo sa patakaran ng parke.
Ilang tauhan sa parke ang nagsabi na posibleng sa sobrang kasabikan na lumabas at makapamasyal, hindi na napansin ng mga nagtutungo rito ang kanilang mga paglabag.
Sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian, bumubuo na sila ng bagong scheduling scheme para matugunan ang social distancing issues.
Maglalabas ng bagong anunsiyo ang Valenzuela LGU hinggil dito.
- Latest