^

Metro

3 kawatan timbog sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 kawatan timbog sa Caloocan
Positibong itinuro ng biktimang si Athea Mae Santiago, 19, ang mga suspek na sina Danico Jabines, 29, sidecar; Allan Cruz, 45, vendor at Arwin Cayago, 33, vendor.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong holdaper na sangkot umano sa serye nang panghoholdap at snatching matapos biktimahin ang isang dalaga,  kamakalawa sa Caloocan City.

Positibong itinuro ng biktimang  si Athea Mae Santiago, 19,  ang mga suspek na sina Danico Jabines, 29, sidecar; Allan Cruz, 45, vendor at Arwin Cayago, 33, vendor.

Sa report ni P/MSg Julius Mabasa kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng impormasyon mula sa isang confidential informant na isang grupo ng mga holdaper na sangkot sa serye ng robbery hold up at snatching ang nakitang gumagala sa kahabaan ng 10th Avenue Brgy 91, East Grace Park at naghihintay ng kanilang bibiktimahin.

Agad na bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU saka pinuntahan ang naturang lugar.

Dakong alas-7 ng gabi nang napansin ng mga operatiba ang isang babae na humihingi ng tulong  makaraang maholdap na naging dahilan upang agad rumesponde ang pulisya kung saan naaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala, isang cal. 22 revolver na kargado ng apat na bala, isang patalim at cellular phone ng biktimang si Santiago.

vuukle comment

NPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with