^

Metro

22 katao sa isa pang kumbento sa Quezon City, tinamaan ng COVID-19

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
22 katao sa isa pang kumbento sa Quezon City, tinamaan ng COVID-19
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU), ang ikalawang kumbento ay ang Convent of Holy Spirit sa Barangay Immaculate Conception.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa 22 katao sa isa pang kumbento sa lungsod ang tinamaan ng COVID-19, kung saan isa na rito ang iniulat na nasawi.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU), ang ikalawang kumbento ay ang  Convent of Holy Spirit sa Barangay Immaculate Conception.

Kabilang sa mga tinamaan dito ng COVID ay 13 madre  at 9 ay mga staff ng kumbento.

Ayon sa CESU na sa 22 nagka-COVID,14 ay fully-vaccinated habang ang walo ay hindi pa nababakunahan.

Sinabi ni QCESU Chief Dr. Rolando Cruz, nasa 90 indibiduwal ang nasa kumbento,  na ang  46  ay isinailalim na sa swab test.

Sinasabing ang nasawi ay isang physical therapist na sinasabing na-exposed sa isang madre na unang nagka- virus.

Inatasan na ni QC  Mayor Joy Belmonte  ang  QCESU na subaybayan at magsagawa ng imbentaryo sa lahat ng closed-setting at long-term care facilities sa lungsod para maiwasan ang COVID outbreak sa ganitong pasilidad. Ang mga closed setting facilities ay tulad ng kumbento, bahay ampunan,  nursing homes, homes for the aged, rehabilitation centers, shelters for street children, halfway homes for victims of violence and abuse, hospices, at correctional facilitie.

“Hindi pwedeng reactive tayo sa tuwing magkakaroon ng outbreak. Nakikita natin na sunud-sunod na ang mga reported outbreak sa ganitong high-risk facilities, unahan na natin. We will test na them and check if they have strict health protocols in place,” pahayag ni Belmonte .

Inutos  din ni Belmonte ang CESU na alamin ang vaccination status ng mga naninirahan o nagtatrabaho sa mga ganitong pasilidad  at hikayatin na magpabakuna ang lahat ng andito.

Ang unang kumbento na Religious of the Virgin Mary Convent at itong Convent of the Holy Spirit ay kapwa isinailalim na sa Special Concern Lockdown (SCL).

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with