^

Mainitin ang ulo, itinumba sa Parañaque

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot sa kaniyang nalalapit na kaarawan ang isang lalaki na labis umanong mainitin ang ulo nang pagbabarilin at mapaslang ng hindi nakilalang salarin matapos na dumalo sa isang reklamo sa kaniya sa kanilang barangay sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Darvin Baldovino, 38, Brgy. Tambo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Parañaque City Police Station, dakong alas-8:35 ng gabi nang maganap ang pamamaril kay Baldovino sa tapat ng isang convenience store sa Global Plaza sa Brgy. Tambo. Agad na tumakas ang mga salarin na hindi na na­kilala ng mga awtoridad.

Ayon sa misis ni Baldovino, umalis ng bahay ang mister dahil sa may kukunin umanong cellular phone ngunit hindi na nakabalik hanggang sa mabalitaan niya na nabaril ito.  Inamin pa ng misis na masyadong mainitin ang ulo ng mister at maraming kaaway.

Sinabi naman ni Rose Diestro, desk clerk ng Brgy. Tambo na inirereklamo si Baldovino ng isang kalugar ng pagbabanta. Hindi na­ging maayos ang usapan ng magkabilang-panig hanggang sa mag-walk-out ang biktima.

Nabatid na magseselebra ng kaniyang ika-39 na kaarawan si Baldovino ngayong darating na Sabado.

BALDOVINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with