^
4 na nabakunahan sa Veterans hospital, sumama ang pakiramdam
Ayon sa attending physician ang mga ulat na sintomas ay maikokonsederang mild side effects lamang kung mapapatunayang ito ay dahil sa pagbakuna ng Sinovac
AFP/Jack Guez

4 na nabakunahan sa Veterans hospital, sumama ang pakiramdam

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao ang sinasabing sumama ang pakiramdam matapos maturukan ng COVID-19 vaccine sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kahapon ng umaga sa unang araw ng rollout.

Isa sa apat ay staff ng Veterans hospital na nagkaroon ng rashes at pamumula matapos mabakunahan.

Isang lalaki naman na staff ng Department of National Defense (DND) ang dinala ng ambulansiya makaraang sumakit ang ulo at tumaas ang blood pressure.

Isang babae naman na empleyado ng DND ang nakaranas ng pagkakaroon ng rashes.

Ang ika-apat na nabakunahan ay sinasabing sumama ang pakiramdam at nakaranas ng palpitations.

Bukod sa apat na nabakunahan, dalawa na ang discharged at dalawa pa ang patuloy na minomonitor.

Ayon sa attending physician ang mga ulat na sintomas ay maikokonsederang mild side effects lamang kung mapapatunayang ito ay dahil sa pagbakuna ng  Sinovac

Ayon sa mga doktor, ang naturang mga sintomas ay maaring dulot ng ibang factor tulad ng pagkabalisa o anxiety tungkol sa bakuna.

VETERANS HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with