^

Metro

Balikbayan mula US, tumakas sa quarantine facility

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabahala ang Pasay Police at sa Pasay local government unit (LGU) sa pagtakas ng isang lalaking balikbayan mula sa isang quarantine faci­lity sa lungsod na tumagal ng apat na araw bago naibalik.

Ayon kay Jun Burgos, Public Information Office (PIO) chief, matapos ireport ang insidente kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ni P/Colonel Cesar Paday-os, ang deputy for operation ng Southern Police District, ay agad pinaaksiyunan ito upang matunton at maibalik sa qua­rantine facility ang tumakas na si Igor Mocorro, noong Enero 3, 2021 sa isang hotel sa Roxas Boulevard na nagsisilbing quarantine facility ng mga balikbayan.

Nabatid na ala-1:30 ng hapon ng Miyerkules (Enero 6) nang magsagawa ng follow-up investigation at puntahan ng Pasay Police ang address ni Mocorro sa Unit 3 No. 1247 Estrada St., corner Taal St., Malate, Maynila para kumbinsihing bumalik ito sa quarantine facility subalit hindi siya natagpuan.

Sinabi ng kaibigan na si Joren John Ubaldo, ang dinatnan sa nasabing address, na hindi niya alam kung nasaan si Mocorro kahit nakausap niya ito sa telepono sa nakalipas na 5-oras. Nangako ito na agad papayuhan si Mocorro na bumalik sa quarantine facility dahil pinaghahanap siya ng mga pulis sa paglabag sa ipinatutupad na safety at health protocols ng Inter Agency Task Force.

Dakong hapon ng Enero 7 (Huwebes) nang ipabatid ni Jun Burgos na nakabalik na sa quarantine facility si Mocorro.

Mismong ang hotel supervisor na si Jayson Baccay ang nagkumpirma kay Burgos na on the way na para maibalik sa hotel si Mocorro.

vuukle comment

BALIKBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with